***** XERCESBalak ko sanang I tag sa fb si Aiola pero hindi ko natanong ang fb name nya, pati cellphone number nya ay wala ako. Naisip kong tawagan si Megan para tanungin ang cell number nya.
"Hello" bagot na sagot ni Megan sa cellphone.
"Megan alam mo ba ang number ni Aiola?" walang galang kong tanong, hindi naman sa ayaw ko kay Megan, trip ko lang talaga syang pikunin at alamin kung hanggang saan ang haba ng pasensya nya sa akin dahil sa last encounter namin ay talagang nag enjoy akong asarin sya pero hindi ako masaya sa resulta na pa cool ang mood nya.
"1, A nga diba Shin Chan? Edi 1 obob" bagot na sagot ni Megan sabay baba ng tawag sa akin. Aba! Tatawagan ko sana ulit si Megan pero na block na nya ako kaya di ko na sya ma contact at ma send ng message. Maya maya ay nag reply ulit sya
'Di mo ako matatalo sa asaran Xerces, papunta ka palang pabalik na ako' – tx ni Megan, tinawagan ko ulit sya pero di ko nanaman ma contact dahil binlock nya ulit ako. Anak ng patola!
'OBOB' – tx ni Megan agad akong tumawag sa kanya bago pa man nya ako I block, sinagot nya ang tawag pero di sya nag sasalita.
"32-10 ba yang phone mo? Bilis mong mag block ah" inis na tanong ko.
"High tech ang cp ko, sadyang naka automatic lang na mag talk sh!t sa mga kagaya mo" sagot nya at binabaan ako ng tawag. Muli ay block nya ako para di sya macontact at maya maya ay nag txt nanaman.
'suko ka na?'-Tx ni Megan
'suko ka na?'-Tx ni Megan
'suko ka na?'-Tx ni Megan
'suko ka na?'-Tx ni Megan, sunod sunod ang txt nya at inabot siguro iyon ng 50times walang hinto as in binomba nya ako ng text sabay block sa akin para di ako maka reklamo sa kanya.
"Megaaaaannnnn!!!!!!" sigaw ko, dahil siguro sa sigaw ko ay nabulabog lahat ng tao sa bahay, dali daling tumakbo sa kwarto ko sina Mommy, Daddy, Kuya at tatlo naming maids.
"What happened anak!" nag aalalang tanong ni Mommy, pumasok sila sa kwarto ko para kumustahin ako.
"I'm freaking fine" sagot ko at tumingin sam ga maids "You can rest now, I'm fine", yumuko sila at nagpaalam.
"Xerces tell us what happened.?" Mom was worried, I can see it in her beautiful eyes,
"Mom, bakit kumaibigan kayo ng baliw?" tanong ko, nakita ko ang curiosity sa mukha nila, I kinuwento ko nag lahat ng naging conversation namin ni Megan and to be honest walang maayos na convo ang nangyari, they all laugh at me hanggang sa magpasya silang mag pahinga but before kuya go out of my room nagpahabol pa ako ng tanong sa kanya.
"What's OBOB kuya?" tanong ko. Nilingon nya ako before he smirk.
"BOBO yon bobo" plain answer yet masakit sa heart. Tinalikuran ako ni kuya at umalis na ng kwarto ko. Muli ay bumalik sya "By the way, You need to sign those documents dahil isasabay ko yan sa trabaho bukas"
"Ako na lang ang maghahatid bukas" presinta ko.
"Suspended ka ng 1month Xerces, disciplinary action sa ginawa mong pag AWOL" sagot ni kuya at umalis na.
Wow! Wala akong nagawa kundi pirmahan lahat ng papeles kahit hindi ko na binasa, medyo natatawa pa ako sa sarili ko dahil pumasok sa isip ko ang mga pwedeng mangyari, ano kaya kung ang nilalaman ng document ay isasalin kay Aiola lahat ng mamanahin ko? Ay sheytt! Malufet!, after non ay humiga na ako, Nag research ako sa facebook ng pangalan ni Aiola, kahit ang mga possible names na pwede nyang gawing fb name, pero walang Aiola Perez, ganito na lang, gagawan ko nalang sya ng account tutal may mga pictures nya ako sa cp ko, gagawin ko g dp ni pandak ang pinaka cute nyang picture, I started to look at her pics, Oo nga no? may laban ang ganda ni Aiola, ang cute nya! Hahha! Virgin pa kaya talaga to? Joke! Taena na ma maniac na yata ako, agad agad may nag friend request sa account na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...