𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 54

37 2 0
                                    


***** AIOLA

Habang tumatagal ay napapalapit ang loob ko sa mga pinsan at kamag anak ko, mababait sila at pinaparamdam nila ang pag mamahal sa akin. Kung alam ko lang na hindi importante sa pamilya ni Daddy ang estado ay matagal na akong nagpakilala sa kanila pero natakot ako, inakala kong madadala ng pamilya ang ugali ng pinaka lolo namin na si Agustus Corales, isang matapobreng señor. Habang nakatanaw ako sa terrace ay napansin kong makulimlim ang kalangitan. Nagulat ako nang biglang dumungaw sa tabi ko si Mierr

"Hala uulan!" sigaw ni Mierr "Nakita mo yon ate A?!" tanong ni Mierr, Kahit hindi na teenager na si Mierr ay may pagka tweetums sya lalo na kapag kaharap nya kami dahil alam nyang sya ang pinaka bunso sa pamilya "Masaya kayang mag stroll kapag malakas ang ulan" napatingin ako sa kanya

"Delikado yun Mierr" sagot ko

"Minsan lang to ate" sagot ni Mierr "Ano stroll tayo ah!" sasagot na sana ako nang mapansin kong may kotseng pumarada sa tapat ng masion

"May bisita ba sila Daddy?" tanong ko

"Ha?" tanong ni Mierr "Tayo tayo lang naman ang alam ko"

"Sino yun?" tanong ko at tinuro ang kotse, napatingin si Mierr sa direksyon ng daliri ko, tila nagulat si Mierr sa nakita nya

"Teka? kotse ni Athrone yun ah!" nagtatakang wika nya sa akin at lumabas ang isang lalaki sa sasakyan "Si Athrone nga! anong ginagawa nun dito?"

"Ewan ko" sagot ko "Sya yung ex BF mo?"

"Hindi ah" nakangusong sagot ni Mierr "Kung pinatulan nya ako dati sana BF ko na sya kaso ayaw nya sakin kasi bata pa daw ako"

"Ngayon dalaga ka na" tila inaasar ko si Mierr, namula sya sa hiya

"May GF na sya" wika nya "Wait lang ate bababa lang ako at tatanungin kung bakit nandito boss ko" iniwan akong bigla ni Mierr.

******************************
NOTE📍
Rape ay napaka sensitibong topic, hindi ko isinulat ito para maka offend at maka sakit ng damdamin, kung mayroon man akong masasaktan sorry pero hindi ito patungkol sa inyo, patungkol ito sa characters ng istorya ko, hindi ko na maaaring baguhin pa ang contents ng chapter na susunod dahil wala na akong maisip pang iba na ipang sasalpak sa story.
******************************

Pumasok na lang ako sa kwarto para mag muni muni nang bigla akong hatakin ni Xerces papasok sa isa pang bakanteng kwarto
"Xerces!" bigla kong tili

"Shhh!" hush sa akin ni Xerces

"Bakit mo ako hinatak dito?" tanong ko

"Wala lang" sagot nya at umupo habang nakapatong ang mga kamay sa kama. Nag cross arms ako at matalim na tumingin sa kanya Ano bang trip ng lalaking to? tinaasan ko sya ng kilay senyales na gusto kong malaman kung bakit nya ako biglang hinatak sa kwartong ito. "Fine" pag surrender nya "After nuong nangyari sa event, ahm," tila di makaisip ng sasabihin si Xerces "Before the event" tumaas lalo ang kilay ko

"After the event o before the event? ano ba talaga?" tanong ko, nagtitigan kaming dalawa "Look Xerces, ang awkward ng pinapakita mo sa akin ngayon kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin"

"Bago pumuntang New York si Franchesca, inamin nya ang lahat sa akin" wika ni Xerces "She admitted that she doesn't love me in the first place" kumunot ang nuo ko

"O, eh,bakit mukhang masaya ka pa?" tanong ko

"Para kasing gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko iyon" sagot ni Xerces "Parang luminaw sa akin ang lahat"

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon