CHAPTER 1: goddess of air

9.6K 309 136
                                    

CHAPTER 1

"Aaaaaaaah!"

"Aray ko!"

Namimilipit ako sa sakit. Tae! Ano bang nangyayari sa wrist ko?

Simula no’ng 18th birthday ko, bigla-bigla na lang sumasakit ang pulso ko at hindi ko talaga alam kung bakit.

It's so painful. Hays! Dagdag pasakit sa buhay ko.

"Hoy tanga! Anong ginagawa mo r’yan ha? Nag-iinarte ka na naman? Bilisan mo r’yan!"

That’s my cousin. Nakakairita ang existence niya pero wala akong magagawa dahil nakikisawsaw lang ako sa pamilya nila. Sampid kumbaga.

"Oo, sige."

She told me to wash her clothes kaya eto ako ngayon, tsk. Alipin na kung alipin pero may araw rin ang mga ’yan!

Nasaan na ba kasi ang mga magulang ko? Ba’t ba kasi nila ako iniwan? Iniwan na nga ako, dito pa sa walang mga pusong gaya ng mga pinsan ko.

"Hay buhay! Masaklap pa sa mukha ng babaitang ’yon, nakakainis!"

"Ano ba kasing nangyayari sa’yong pulso ka? Ang sakit-sakit na ha!"

Para akong tanga sa ginagawa ko pero tae! Ang sakit kasi talaga.

"Aray! Ano ba?! Tumigil ka na, please?"

Nakikiusap akong tumigil na siya sa pananakit kasi parang ’di ko na talaga kaya. Huhuhu!

Pero nagulat na lang ako no’ng biglang may maliit na liwanag na lumalabas sa pulso ko.

"Waaaaaaaaaaaaaaah!"

And everything went black.

_____________
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasaan ako?

"Nasa langit na ba ako?"

"Hello? San Pedro, nasaan ka?"

"Yohooooooo!"

Puro puti ang nakikita ko sa paligid pati na ang kasuotan ko. Parang nasa langit na ata ako, may mga clouds din kasi.

Panaginip ba ’to?

"Hihihihi"

Napalingon ako sa kung saan dahil sa hagikhik na narinig ko pero wala akong nakita.

"Huhu may multo ba rito? Tang*na naman, ’wag mo akong takutin!"

"Langit na ’to diba? Siguro naman ’di ka demonyo, ano?"

Huhu sino ba ’yon? Ba’t wala akong makita? Tae, minumulto ata ako!

"Jusko! Kung sino ka man, patawarin mo ’ko kung ano mang kasalanan ko sa’yo, ’wag mo lang akong takutin huhu."

Pero wala na akong narinig  kahit ni isang salita mula sa kung sino man 'yon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang umihip ng malakas ’yong hangin. Uwuuuu, natatakot na talaga ako.

"Ano ba kasing nangyayari?" tanong ko habang hinihimas ang mga braso ko. ’yong mga balahibo ko kasi nanindig na e’.

"Maligayang pagdating sa lugar ng Aerodamia, Aerisha!"

"Waaaaaaaah!"

Napasigaw ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harap ko ang isang—ano ’to?

"Teka! Sino ka? Ba’t ang liit mo? Duwende ka ba? Fairy? Pero wala ka namang pakpak kaya imposible ’yon!" gulat na gulat kong tanong sa kanya. Wala siyang pakpak pero lumulutang siya sa ere!

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon