CHAPTER 65: He's free from the curse

1.8K 86 19
                                    


•ERIS' POV•

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na pala simula no'ng naging boyfriend ko si Ice at sa loob ng mga araw na 'yon, pinaramdam niya sa'kin ang mga bagay na gusto kong maramdaman.

Alam kong naging makasarili ako pero wala na akong pakialam pa do'n. Ang gusto ko lang ay may magmamahal din sa'kin tulad ng pagmamahal ko sa kanila.

Ngayong araw ang huling araw namin ngunit nandito na si Freyda, nagpakita na siya sa'kin.

"Eris, alam mong ngayon ang huling araw ng kasunduan natin at maya-maya lang ay magpapakita na ako kay Ice, wag mo sanang kalimutan ang gagawin mo" rinig kong sabi niya.

Napabuntong-hininga ako, parang ang bilis lang ng araw. May hangganan talaga ang lahat at wala ka ng magagawa pa do'n.

"Oo, s-sa araw ng digmaan ay p-papatayin ko siya" sagot ko naman.

Buhay ni Aerin ang kapalit ng kasiyahang pinalasap sa'kin at dapat magawa ko ang bagay na 'yon dahil kung hindi, mapupunta sa akin ang sumpa.

At ayokong mangyari sa'kin 'yon.

Nawala na agad si Freyda at biglang sumulpot sa likuran ni Ice na kanina ko pa tinititigan. Lumapit ako ng kaunti para marinig ang kanilang pag-uusap.

"Ice!" tawag sa kanya ni Freyda.

Lumingon si Ice at wala man lang kahit na anong emosyon ang makikita sa mga mata niya.

"Sa aking kagustuhan, binabawi ko na ang aking sumpa! Ikaw ay aking pinalalaya" sambit ni Freyda.

Bago pa siya umalis ay lumingon pa siya sa'kin na parang pinapaalala ang dapat kong gawin.

Patawarin mo ako Aerin ngunit kailangan ko ang buhay mo, kapalit ng kalayaan ko at ni Ice.

Nakayuko akong lumapit kay Ice at umupo sa tabi niya. Alam kong hindi niya ako kayang mahalin dahil sa mga nagawa kong kasalanan pero wala akong pinagsisihan no'n.

Masaya ako kasi naging akin siya kahit panandalian lang pero umaasa pa rin akong titibok ang puso niya para sa akin.

Kahit napakaimposible nitong mangyari.

"I-ice, p-pinapalaya na ki------------"

"Not now Solier, not now"

(0_0)

A-anong ibig niyang sabihin? Ayaw niya bang hiwalayan ko siya? G-gusto na kaya niyang totohanin namin ang lahat?

"W-what do you mean?" tanong ko pa.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at may kunting pag-asa akong nararamdaman dahil do'n.

M-mahal na kaya niya ako?

Sana....

"I need you to act as my girlfriend as long as that f*ckin' man and freak are together" sambit niya sabay alis.

Naiwan akong naguguluhan sa sinabi niya. Man and freak? I-ibig sabihin, gagawin niya akong panakip-butas? Pampaselos kay Aerin?

Is he jealous sa kanila ni Aerin at no'ng kasa-kasama niyang lalake?

Gagamitin niya ako? Bakit hindi? Kung 'yon lang ang paraan para makasama ko pa siya ng matagal, handa akong magpagamit.

Dahil sa pagmamahal ko kay Ice, wala na akong pakialam pa sa sasabihin ng iba.

____________________________________
•AERIN's POV•

"Terra, bakit parang blooming ka ngayon? In love ka na ba sa'kin?"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon