CHAPTER 59: He Broke Her Heart

1.7K 74 12
                                    


•YESHA's POV•

"Yesha!"

"Chosen!"

"Hey gising!"

"YESHA!"

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na sigaw na 'yon ni Marne. Hinihingal ako at pinagpapawisan, n-nanaginip ako.

"Hay salamat naman at gumising ka na Chosen, kinabahan ako sa'yo"

"B-bakit? A-anong nangyari?" tanong ko pa. 

"Wala kang malay pagkapasok nila sa'yo dito tapos nanaginip ka saka binabanggit mo ang pangalang Faero" alala niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil do'n. Kahapon lang, nakuha na ng Dark King ang ikaapat kong kapangyarihan at simula no'ng nakausap ko si Faero sa isang panaginip, lagi ko na siyang napanaginipan.

Lagi ko 'yong binabalikan dahil gusto kong malaman kung ano yong isinigaw niya pero nabigo ako, hindi ko talaga siya narinig.

Ano kaya 'yon?

Isa pa, nagkakaroon ako ng pag-asa pag nakikita ko siya kahit na sa panaginip lang.

Pakiramdam ko, totoo siya.

"Chosen? Anong iniisip mo?"

Nilingon ko si Marne at ngumiti na lang. Masakit pa rin ang katawan ko at nakakapagtakang hindi pa ako tinatawag ng mga gods and goddesses.

Hindi na ba nila ako gagamutin?

Kumusta na kaya ang nga Royalties? Sana patuloy pa rin sila sa pag-eensayo para mailigtas nila kami.

Si Aerin kaya? Nakumpleto na kaya niya ang mga elemento? Sana nga para magkaroon siya ng sapat na lakas para labanan ang Dark King.

"Alam mo Chosen, kapag nakalabas na tayo dito, ikaw ang una kong ililigtas" nakangiting sabi ni Marne.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit sa mundong puno ng mahika at mapanlinlang, may mga totoo pa rin talagang gaya niya.

"Salamat Marne pero alam mo namang may dapat kang protektahan at hindi ako 'yon" sabi ko na lang.

Napayuko naman siya dahil do'n. Gustuhin ko man, hindi pwede dahil nangako siya sa mga magulang ni Aerish na poprotektahan niya ito.

Ayoko namang sisirain niya 'yon para sa'kin.

Maghihintay na lang ako kay Aerin, alam kong ililigtas niya ako saka sinabi din sa'kin ni Faero 'yon. Naniniwala ako sa mga sinabi niya.

"Marne? Hindi ko nakita si Jewel nitong mga nakaraang araw, nasaan kaya siya?" taka ko namang tanong.

Hindi na kasi siya 'yong kumuha at naghatid sa'kin dito eh kaya nagtaka ako. Baka may ginawa na naman 'yong kasamaan, hays.

"'Yon ba? No'ng hinatid nila ako sa mga kulungan para maglinis, may narinig akong pupunta daw sila sa mortal world at magre-recruit ng ilang mga mages do'n para gamitin" sagot nito.

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. N-nagpunta sila sa mortal world? Don't tell me mandadamay sila ng mga mortal para sa darating na digmaan?

Hindi pwede!

Dapat silang pigilan pero paano? Hindi nila dapat pinapakialaman ang mga mortal. Oo mortal ako pero kagustuhan ko ang pagpasok dito.

Saka baka di nila kayanin.

"Hindi nila dapat ginawa 'yon" alala kong tugon.

"Chosen, matagal ng nadadamay ang mortal world sa mundo natin. Ang puno ng magicae ang nag-uugnay sa'tin sa kanila. Mapa-dark or light mage man, do'n pa rin napupunta ang lahat ng kapangyarihang meron ang isang patay" kwento nito.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon