CHAPTER 66: Battle between Life and Death (bff)

1.7K 84 7
                                    


•CHOSEN's POV•

Madilim.

Sobrang dilim ng kinaroroonan ko, kahit ang sarili ko ay di ko makikita dahil sa kadilimang bumabalot sa'kin.

Wala ng masakit sa katawan ko pero parang may isa na naman akong haharaping pagsubok at ito na 'yon.

A situation between life and death, nakakatakot.

Paano nga ba ako napunta dito?

-----------------Flashback--------------------

Ramdam ko ang paglabas ng isang malakas na enerhiya mula sa'kin, parang malalagutan na din ako ng hininga dahil sa kakasigaw.

Nakakarindi rin ang pagtawa ng demonyong 'to na sinasabayan din ng mga kulog at kidlat. Galit na galit ang langit.

"AAAAAAAAAAHHH!"
 
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at bago ako mawalan ng ulirat ay nakita ko pa ang pag-iba ng kanyang anyo.

Nakakatakot siya!
___________

*paaaaaaak!*
 
*paaaaaaak!*

Nagising ako sa isang magkabilang sampal na binigay sa'kin ni Jewel. Alam kong siya ang may gawa no'n dahil kahit di ko pa masyadong naibukas ang mga mata ko ay kitang-kita at amoy na amoy ko na ang kademonyohan niya.

"Gumising ka!" sigaw niya sabay sampal ulit sa'kin.

Namamanhid na ang pisngi ko at alam kong dumudugo na din ang bibig ko. Nakatali din ang mga kamay ko patalikod kaya di ako makalaban.

"J-jewel"

Inilibot ko ang paningin ko at hindi pamilyar sa'kin ang lugar na kinaroroonan namin. Basta ang alam ko, hindi na ito bahagi ng Tenebris.

Dahil sa napansin ko, nagkaroon ako ng pag-asa. Pag-asa na sa wakas ay makikita ko na rin ang mga taong gustong-gusto kong makita.

Ang bff ko.

S-si Faero.

"Sayang, hindi kita pwedeng patayin pero pwede naman kitang pahirapan hanggang sa ikaw na mismo ang susuko HAHAHAHAHA"

Tiningnan ko siya ng masama na naging dahilan upang sikmuraan niya ako. Hindi ako umalma, hindi ako nagpapaapekto dahil alam ko na pagkatapos nito ay malaya na ako.

Malaya na ako sa lahat ng paghihirap at sakit.

Hinding-hindi ako susuko kahit kailan, kahit patayin pa nila ako.

"Allison, akin na ang espada ko" tawag niya sa isa niya pang kasama.

Teka----s-si Marne, n-nando'n pa siya sa Tenebris! S-sana okay lang siya do'n. Baka siya na naman ang pag-initan ni Jewel pag nawala ako.

"Nakikita mo na itong espada ko? Marami na ang napatay at nasugatan nito. Marami-rami na ding dugo ang dumaloy dahil dito at hindi na ako makapaghihintay na madaluyan din ito ng dugo mo!"

'Wala akong pakialam sa sasabihin mo!'

Napahiyaw ako bigla no'ng sinugatan niya ako gamit ang espada. Dumaloy ang masaganang dugo mula sa braso ko.

Napakasama niya!

"Demonyo ka-----aaaaah!"

Sa tuwing nagsasalita ako ng masama laban sa kanya ay sinusugatan niya ang iba't-ibang parte ng katawan ko.

Napapasigaw na lang ako pero di ako tumigil sa pagsasalita. Minumura ko siya't lahat-lahat kahit katumbas no'n ang pagkasugat-sugat ng buo kong katawan.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon