CHAPTER 78: Rising of the Dead

2K 101 17
                                    


•AERISH's POV•

Nakausap ko ang ina at medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

Naliwanagan na din ako at tinanggap ang nangyari sa kanila. Napagtanto kong wala na akong magagawa kahit na magalit pa ako kay Twinny.

I felt so bad pero dahil kay Marne ay hindi ako napanghinaan. Kailangan kong makausap si Twinny.

"Tara na?" aya sa'kin ni Marne, tumango lang din ako.

Ako na mismo ang gumawa ng portal at ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa Lux kaya lang isang nakakabiglang senaryo ang naabutan namin.

"Aerin! Waaaaaag! Patawarin mo ako!" sigaw ko sa kanya.

Alam ko ang gagawin niya at hindi ako sang-ayon do'n. Marami pa kaming dapat pag-usapan eh.

P-pero hindi niya ako sinagot. Nginitian niya lang ako at itinaas ang kamay. T-talagang gagawin niya ang bagay na 'yon, paano na kami?

"Freak! No, don't do this to me! F*ck! Please don't leave me!"

"Damn it! Get me out of here!"

S-si Ice.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, nagwawala at nagmamakaawang wag siyang iwan.

A-ang sakit.

Ni hindi man lang kami nakahingi ng tawad kay Twinny, sa lahat ng masasamang nasabi at nagawa namin sa kanya.

Ni hindi man lang kami nakapagpasalamat sa kabutihang ginawa niya para sa'min at sa Lux lalong-lalo na ang pagligtas niya sa'min.

May mga binanggit siyang salita at rinig na rinig namin ang lahat ng 'yon, parang tumatak sa puso't isipan naming lahat.

She sacrificed her life para sa kapayaan ng buong Lux.

Kung naging selfish ako, selfless naman siya. Karapatdapat talaga siyang maging pinili.

Nilingon ko ang mga kasama ko, lahat sila ay tahimik na umiiyak habang hinihintay kung anong mangyayari sa babaeng naging parte ng aming buhay.

Sa aming lahat, si Ice ang pinakanasaktan. Hindi niya alintana ang mga Luxiers na nakatingin sa kanya. He cried and beg pero di na siya pinakinggan pa ni Twinny.

Akala ko maging masaya kami kapag nanalo kami sa digmaan, h-hindi pala *sobs*.

"Twinny!"

"Bff kooooo!"

"Ae!"

"F*ck no!"

"Anak!"

Nagulat kaming lahat sa aming nasaksihan. Kanya-kanya kami sa pag-iyak at maging ang Lux King ay napaiyak na lang din.

S-si Twinny, nagliwanag ang buong katawan niya. Dalawang kulay ang liwanag na 'yon. Kulay puti ang isa at alam kong ang kaluluwa niya 'yon. Ang isa naman ay kulay pula at sigurado akong 'yon ang kanyang dugo.

Dahan-dahang pumaibaba papunta sa puno ang kulay pulang liwanag at dumikit ito doon. Ilang sandali lang ay parang naging abo ang puno.

Ang abo nito ay sumakop sa buong Lux. Lumiwanag ang buong kalangitan at yumayanig ang lupa kaya naghahawakan kami ngayon.

Nawala na din ang barrier na nakapalibot kay Ice pero hindi siya umalis sa kinaroroonan niya. Nakayuko lang siya at gumagalaw ang balikat, umiiyak siya.

W-wala kaming nagawa para sa kanya.

*sigh*

Patuloy pa rin sa pagyanig ang lupa. Di nagtagal ay unti-unting lumitaw ang mga gusali ng Academy pati na ang iba't-ibang kaharian.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon