•AERIN's POV•Nandito pa rin ako sa lugar kung saan puro ice o snow lang ang makikita. Nanlalamig na ako pero di naman ako nanginginig, ni hindi na nga ako gumagalaw dahil sa tingin ko, tumitigas na ang buong katawan ko.
Hindi na rin gumagalaw ang mga mata ko! Hindi na ako kumukurap pero di naman ako lumuluha. Huhu para akong bangkay na inilibing ng patayo. Hindi naman ako makakagamit ng fire power dahil sa nullification ni Volt, same sa negation gano'n.
Tapos bumabagal na din ang paghinga ko, s-siguro nag froze na din ang dugo ko? Waaaaaah! Baka katapusan ko na huhu. Teka---ilang oras na ba akong narito? Ang mga balahibo ko, parang tinik na tumatatayo lahat, feel na feel ko sa ilong ko.Kailan ba nila ako ilalabas dito? Siguro naman umabot na ako ng isang araw diba? Gusto ko ng kumain pero bago 'yon kailangan ko munang tunawin ang naninigas kong kalamnan.
Hindi ko na rin maibuka ang bibig ko. Feeling ko pati laway ko naging ice na rin, tumitigas. Jusko naman Iciel, ilabas niyo na ako. Teka---baka pati pimple ko tumigas rin? Nakuuu.
Isang araw lang akong mananatili dito pero parang isang buwan na para sa'kin. Grabe! Parang pinapatay na ata ako ng mga 'yon eh.
"Snow, lumabas ka na" rinig kong sabi ni Iciel.
Nagjo-joke ba siya? Infairness, hindi ako natatawa, duh. Paano naman ako lalabas abeeeer? Eh halos magkaugat na ang mga paa ko dito, hindi ko na matanggal. Hindi nga ako makagalaw sabi ey!
"Leighra, mag-isip ka ng paraan kung paano ka makakalabas" sabi naman ni Volt.
Paano nga ba?
Kahit anong gagawin ko, ayaw talaga. Kahit pagalawin man lang ang ilong ko, hindi pa rin. P-pero gumagana naman ang 5 senses ko eh pati na ang utak ko. W-wait----utak?
Tama!
Kung di ko pwedeng magamit ang mga kapangyarihan ko, ang ability ko pwede! Yes, buti na lang matalino ko huehuehue.
'sana masira 'yong nullifying stone na nakakabit sa bukana nitong lugar'
Oo, tama ang nabasa niyo. May inilagay si Volt na isang bato sa bukana at nag explain naman siya sa'kin kung ano 'yon.Napansin kong may umiilaw, sure akong ang bato na 'yon. Ilang sandali lang ay may narinig akong sumabog. Di ko makita kasi nga di gumagalaw ang mga mata ko, nakafocus lang talaga siya kung saan ako nakatingin kanina.
No'ng tumigil na ang pagsabog, sinubukan kong palabasin ang apoy sa kamay ko pero parang ayaw naman. Paano ba 'to?
"Mag-ingat sa paggamit ng kapangyarihan. Wag masyadong pakampante"
Huh? Hanudaw? Di ko siya gets, meghaaaaad ang gulo ey.
Nag concentrate na lang ako para lumabas na ang fire magic ko. Few minutes, naramdaman kong nag-init ang dalawang kamay ko. Pinainit ko lang ang mga ito at inilapat sa mga bahagi ng katawan ko.
Inuna ko na ang sa mga mata ko, di nagtagal ay lumuluha na ako ngayon, sabi na nga ba naka-freeze lang mga luha ko eh. Sunod naman ay ang bibig ko tapos dumudura na din ako ng tubig, sure akong laway 'yon ew!
Sunod sa leeg tapos sa katawan, then sa mga joints ko, then sa tuhod, hanggang paa. Natunaw ang mga ice na nasa katawan ko and pinainit ko na rin ang kaloob-looban ko.
Malaya akong nakakagalaw ngayon pero napansin kong nagtutubig ang kinaroroonan ko. Haluuuuh! Oo nga pala, natunaw na it means tubig ang kalalabasan.
Napatingin ako sa kalangitan, galit na galit pa rin ito. No'ng una, nagulat pa ako sa mga kidlat na 'yan pero ngayon hindi na. 'Yon nga lang, nakakatakot na lalo na ngayong may tubig na talaga dito sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasíaAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...