CHAPTER 41: Her Mission

1.7K 106 3
                                    


•AERIN's POV•

Pumasok ako sa kwarto ng lutang. Di ako mapaniwalang si Daph pala ang pumatay kay Mrs Smith. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yon. D-di kaya may kinalaman ito sa mga magulang niya?

Tama!

Ang sabi niya ay ginawa na niya 'yong pinapagawa sa kanya at nagmamakaawa pa siyang wag saktan o patayin ang kanyang mga magulang.

Naaawa ako kay Daph pero naaawa din ako kay Jesto pati na sa sarili ko. Nahihirapan ako sa sitwasyong 'to. Pag sinumbong ko si Daph, anong mangyayari sa kanya? Paniguradong mag-aapoy na naman sa galit si Jesto at baka maghigante pa siya.

Ano bang gagawin ko?

Hays! Mamaya ko na nga lang iisipin 'yon. May oras pa naman ako para makapag-isip eh lalo na't half day lang ang naging klase.

Umupo ako sa kama ko at binuksan ang supot. Nakita kong mahimbing na natutulog si Froy pero ginising ko siya.

"Froy? Hey gising na, may ipapakilala ako sa'yo"

Ang cute niya talaga. Kulay asul ang suot niya at may parang pang cowboy na sumbrero. Nakuuuu! Kung tao lang 'tong si Froy baka pinatulan ko na 'to hihi.

"Froooooooy!" malakas na tawag ko sa kanya.

Bigla naman siyang nagbato ng ball out of dust sa'kin pero sa ilong ko tumama. Aw!

"Ayy naku po! Sorry po Ms Aerin, h-hindi ko po sinasadya. N-nagulat lang po ako, pasensya na po"

Owemji! Ang cute niya pala kung magulat. Nakatakip pa ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Yieeee! Nahihiya ba siya?

"Nakuuu! Okay lang 'yon. Simula ngayon, master na ang itatawag mo sa'kin. Maliwanag ba?" nakayuko ko pang sabi.

Ang liit niya kasi! 

"Opo master!"

"Yaaaan. Teka, palalabasin ko lang si Eggy"

Nakita ko namang parang naguguluhan siya. May nabuo pang question mark sa ibabaw ng ulo niya gamit ang dust. ChOur, ang galing naman nito.

Inilahad ko ang aking palad at hinipan ang tattoo, parang alikabok naman siya na natangay sa hangin.

"Eggy, lumabas ka na" utos ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay may biglang nag pop at nagpakita na din si Eggy. Lumilipad siya gamit ang kanyang mga pakpak at nakangiting nakaharap sa'min. Dalawa pa lang ang ngipin niya dahil sa bata pa siya na nakadagdag sa pagiging cute niya.

"Eggy, siya si Froy. Froy, siya naman si Eggy"

Lumipad naman si Froy palapit kay Eggy. Kinuha niya pa ang kanyang sumbrero at inilagay sa dibdib na para bang nagbibigay ng galang. Uwaaaah! Parang tao kung umasta ey, gentleman.

"Hi Eggy, nice to meet you. Let's be friends!" nakangiting bati nito.

Oh diba? Englisherist din ang fairy na 'to ey.

"Sure! I'm so happy that I have a friend now"

(0_0)

Ano ba 'to? May lahing foreigner ba ang mga ito? Aba'y di pwede 'yon! I'll set rules, ChOur haha.

"Hep! Hep!" pigil ko sa kanilang dalawa.

"Hooray!" sabay naman nilang sagot at nagtatawanan.

Abaaaaa! Pinagtutulungan ba nila ako? Hmmmm.

Kinuha ko naman ang juice saka ang slice bread sa may lamesa. Inilapag ko kasi 'yon do'n no'ng kinuha ko si Froy sa supot.

"Kita niyo 'to? Gusto niyo ba nito?" tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango at parang excited na excited.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon