CHAPTER 11: Meeting the Fire mage

3.1K 156 12
                                    

CHAPTER 11
 
 
Nagulat talaga ako sa sinabi ni Glaciero, feeling ko talaga ang init² ng mukha ko.

'Don't be afraid freak, I'm here to save you tsk'

Uwuuuu! Talagang naiihi ako sa kilig amputek.

Pero mas nagulat ako kasi 'yong apoy kanina na naging ice eh unti-unting natutunaw at bumagsak.

"Woaaaaaah!" nakakamangha talaga. 

"Hi guys! I'm sorry about that, were just having fun over there. Miss? I'm sorry"

(0_0)

Nagulat ako sa biglaang pagsulot ng isa na namang lahing Americano.

Ba't ba sila English ng English dito? 

"Faero? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Caeli sa kanya.

Magkakilala sila?

"Hmm nauna na ako sa kanila Aerish. Actually, tapos na ang meeting nila pero may kunting salo-salo silang hinanda. Eh busog pa naman ako kaya nauna na ako dito. By the way, who's she?"

Haluuuuuh? Marunong siyang mag Tagalog? Uwuuuu! Akala ko dudugo na naman ilong, buti na lang.

"Ay siya si---------"

Eh?

"She's Aerin, my mission"

(0_0)

Siya ba tinatanong? Ibang klase talaga itong si Glaciero hihi.

"Ow, hi Aerin! Welcome here. I'm Faero James Flamour, a fire mage and one of the Royalties. Nice to meet you, accidentally"

Whew!

Tae! Ba't laging may second name sila? Required ba 'yon?

Fire mage pala siya. Hihi ba't ang gagwapo ng mga nakikilala ko dito?

Itong si Faero eh may matangos na ilong at may makakapal na kilay. Uwuuuu! Gusto ko 'yong ma balboooooOn. Saka 'yong buhok niya ay kulay pula, natural ba 'yan?

"Hello Faero! Hehehe" 

Takte! Ba't mukha akong pabebe dito?

Saka mukha siyang matino kausap ha.
 
T-tapos isa na naman Royalty? Waaaah! Ang haba na talaga ng buhok ko, owemji!

"So? Saan kayo papunta?"

Sa puso mo krass! Uwuuuu. Talandeeee selp huh. 

"Sa Dorm, sabay ka na? Do'n na lang natin hihintayin ang iba"

Tumango naman kami at naglakad na pero napansin kong walang Glaciero na kaming kasama.

Nasaan na 'yon?
 
Saan na nagpunta ang mokong na 'yon?

"T-teka! Nasaan na si Glaciero?"
 
Takang tanong ko sa kanila pero ba't parang gulat na gulat ang dalawang 'to?

"B-bakit?"

Ba't ba?!

"T-tinawag mo siyang Glaciero?" gulat na tanong ni Caeli.

Bakit? Di ba pwedeng tawagin siya sa second name niya?

"Bawal ba?"

Aba kung bawal 'yon eh di sana di na nila nilagyan ng second name diba? KalooOwka.

"Ah hindi naman sa gano'n Twinny hehe"

Eh? Seryoso ba siya?

"He just hate to be called Glaciero, Aerin"

Naka-smile na sabi ni Faero sa'kin. Hays! B-ba't ang cute niya ngumiti?

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon