•ERIS' POV•"Earth balls!"
"Spikes!"
"Bombs!"
"Aaaaaaaaah!"
Kanina pa ako nakikipaglaban sa mga dark mages na 'to pero parang di naman sila nauubos.Hinihingal na din ako at napapagod na pero dahil sa batong ibinigay ni HM ay nagkakaroon ulit ako ng lakas.
Kailangan ko silang matalo para makabalik na agad ako sa Academia. Panigurong lumusob na din do'n ang ibang mga kampon ng Dark King.
Ang ibang Royalties kaya, nakabalik na kaya sila?
"Eris!"
Agad akong napalingon sa tumawag sa'kin, s-si Aerish? Bakit siya nandito? Hindi ba't pinapaiwan siya do'n sa Academy?
"Aerish? Ba't ka nandito?" taka kong tanong.
"Eris, I'm a Royalty too and may karapatan akong sumama dito. Besides, kailangan mo naman ako eh" sagot niya at tinulungan akong talunin ang mga kaharap ko.
"Pero mas kailangan ka do'n sa Academy!"
"No buts Eris. Mapapadali ka dito pag may kasama ka para naman makabalik na tayo agad do'n"
Hindi na din ako nakipagtalo sa kanya. Tama siya, mapapadali nga ako dito kapag nandito siya. Malaki ang maitutulong niya sa'kin.
"Eris, ako na ang bahala dito. Iligtas mo na lang ang mga naninirahan sa bayang ito" bigla niyang sabi.
Tumango ako pagkatapos ay umalis na. Nag-iwan na lang ako ng mga gumagalaw na puno at mga poisonous plants para matulungan si Aerish.
Hinanap ko ang mga pinagtataguan ng tao. Bawat dinadaan ko ay nilalagyan ko ng mga beans para kapag may mga dark mages na dadaan, mamamatay na.
Ilang sandali lang ay may nakita nga akong grupo ng mga babae, may yakap-yakap silang mga bata na kapwa umiiyak.
"Tulungan mo kami"
"Tulungan mo kami"
Agad ko silang nilapitan. Sunog na ang buong bayan dahil sa kagagawan ng mga dark mages kaya nagpatubo na lang ako ng isang malaking puno.
May malaking espasyo sa gitna ng puno na pwede nilang pagtaguan. Hindi ito basta-basta masisira ng mga kalaban hangga't buhay pa ako.
"Dito! Dito kayo magtago!" tawag ko sa kanila.
Inalalayan ko na din 'yong iba pang mga matanda at ipinasok sa ginawa kong puno. Pagkatapos ko silang maipasok ay ginamit ko ulit ang kapangyarihan ko para maisara iyon.
Umalis ako at hinanap ang iba pa nilang kababayan. Patay na ang ilan sa kanila at nakakaawa ang kanilang sinapit.
Kung tutuusin ay nadamay lang talaga sila sa galit ng Dark King na 'yon, hays.
Ilang sandali ng paglilibot, medyo marami-rami na din ang naipasok ko sa punong 'yon at wala na akong nakita pang iba.
Nilagyan ko ang palibot ng puno ng mga poisonous plants at mga nilalang na maaaring magbantay sa kanila habang nakikipaglaban ako sa iba pang mga kalaban.
Pinagbabato ko lang sila ng mga earth balls pati na ng mga beans ko. Nasa kontrol ko ang kalikasan kaya lahat ng mga puno at ang ugat nito ay naipapagalaw ko.
Binalikan ko ang kinaroroonan ni Aerish at ramdam kong pagod na din siya pero hindi siya sumuko.
"Aerish!" tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasíaAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...