CHAPTER 5
"Dali na Aerin, katukin mo na!"Aba't inutusan ako ng isang 'to?
"Ayoko! Ikaw na kasi. Saka di ka naman papagalitan nyan kasi President ka ng student council diba? Kaya gora na"
Tinutulak ko pa 'tong bff ko para siya na kumatok.
Nandito na kami sa harap ng room namin at sarado na ito kaya malamang sa malamang eh late na talaga kami.
Panira naman kasi 'yong dinadaanan ko, ba't ba kasi madulas?
Hays!
"Sige na nga ako na"
Yeheeeeey! Sabi na di ako matiis eh, cute ko kasi hihi.
*tok tok tok!*
Nakailang katok pa si Yesha no'ng biglang bumukas na ang pinto.
"Good morning po, Ms. Cruz"
Nakangiti pang bati namin kaso mukhang bad mood ata si ma'am.
Nakasimangot at nakataas ang kilay. Sabagay, lagi naman siyang ganyan.
Matandang dalaga kasi.
Kaya nga naghahanap ako ng ka-forever kasi ayokong matulad sa kanya.
Di ko keri ang ganyang looks, naku!
"Anong good sa morning ha Ms. Sandoval?!"
Takte! Ba't ako lang? Aba favoritism ka ma'am?
Napatingin ako kay Yesha, ngumisi lang ito at pumasok na. Ano 'yon? Ba't gano'n?
"Ma'am kasi--------"
"Ms. Sandoval, alam mong ayaw na ayaw ko sa mga nale-late. Diba alam mo namang ako ang first period niyo ngayon? So alam mo na rin kung anong mangyayari pag na late ka, am I right?"
Nakataas-kilay pang tanong ni ma'am sa'kin.
"Opo ma'am"
'Di ka right ma'am kasi si Ms. Cruz ka'
Cruz pa po sana apilyedo niyo, katunog ng 'cross' so dapat mabait ka kaso mukhang in disguise ka ma'am ha.
Naku! Kaya siguro wala itong jowa kasi ang sungit² eh.
Palapit pa lang siguro ang lalaki eh binabato na siguro nito ng libro.
"So? Ano pang ginagawa mo riyan? Alis na!"
Oo na, di ka makahintay ey?
"Ba't ako lang ma'am? Eh dalawa naman kami ni Yesha na late ah"
Naku! Unfair nito. Sumbong pa kita kay ma'am principal eh!
"Ms. Sandoval, inutusan ko lang siya na kunin ang files sa faculty kaya exempted siya dahil di naman talaga siya na late!"
Ay kaya pala ang laki ng ngisi no'ng babaita. Lagot ka sa'kin mamaya!
*blag!*
(0_0)
Abaaaaa't! Bastos na teacher 'to ah. Jusko! Ma-attitude si ma'am.
Sumbong kita eh. Sus! Walang jowa kasi kaya ganyan o baka menopause na? Halaaaaa! HAHAHAHAHA.
Tumalikod na lang ako't nagsimulang maglakad. Hays! Kahit anong pagmamadali ko, late pa rin talaga ang bagsak.
Bumagsak nga din pala ako sa sahig kanina. Minalas talaga ako dahil sa------ saan nga ba? Tingin ko lagi naman akong malas eh.
_____
Nandito na ako sa likuran ng school. Dito ako tumatambay pag walang klase sa isang subject kasi tahimik at walang distorbo.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasíaAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...