CHAPTER 4: His mission

4.5K 182 8
                                    

CHAPTER 4

*blag! blag! blag!*

"Hoy Aerin! Ano? Di ka pa lalabas dyan ha?! Gusto mo sirain ko pa itong pinto?! Hoy!"

*blag! blag! blag!*

Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Ellaine. Abaaaaa! Ang aga-aga eh nag transform na agad ang demonyita.

Pero imbis na 'tok tok tok' ang tunog, naging 'blag blag blag' na. Sa lakas ba naman eh di ko malaman kung katok ba 'yon o kalabog eh.

"Oo! Andyan na!" sigaw ko sa kanya pabalik. Kala niya siya lang marunong sumigaw ha.

"Bilisan mo dyan! Pag ikaw di pa lumabas agad, humanda ka sa'kin!"

Aba! Talagang tinakot pa ako. Mukha mo pa lang, takot na ako eh sus.

Inayos ko na lang ang sarili ko at nagpunas ng mukha. Dumidikit pa 'yong laway ko kala mo glue eh.

Niligpit ko na rin 'yong higaan ko no'ng bigla akong napatingin sa arinola.

'Hays! Di ko alam kung paano ko haharapin ang mokong na iyon dahil sa'yo'

Paniguradong diring-diri sa'kin 'yon.

Ang forever ko, wala na! Huhu

"Aerin! Bilisan mo dyan, nagugutom na kami!"

Taena.

Dala ko ba kaldero nila?!

Oo nga pala, walang laman 'yon kasi nga naubos nila kagabi.

Ilang bulate kaya ang alaga nila?

Eh?

Makalabas na nga.

Dumiretso agad ako sa kusina pero nahagip ng mata ko 'yong dalawang gasul kasama no'ng magnanakaw--------este bwesita pala.

Grabe!

Parang linta kung makakapit 'yong dalawa pero 'yong mokong eh halos di na maipinta ang mukha. Pfffffft

"Oh ano? Tutunganga ka na lang ba dyan?! Male-late na kami Aerin!"

Tumalikod na lang ako at napairap.

Tsk, lasunin ko pa kayo eh.

Saka ano kayang ginagawa no'ng lalaking 'yon dito?

Don't tell me titira na siya dito forever? Jusko! Dagdag sa pahirap na naman hays.

Ang sungit² kasi ng mukha. Ang talas pa ng tingin parang ang laki ng galit sa'kin.

'Eh malamang hinampas mo ng arinola'

Oo nga noh?

Hmmm ano kayang lulutuin ko? Dapat masarap para kahit papaano eh mawala naman 'yong galit niya hehe.

Pagkatapos kong magluto eh hinanda ko na ang lamesa.

"Kain na kayoooooO!"

Tawag ko sa mga prinsesa at sa err prinsipe ng buhay ko!

Yaaaaaak! Talandeeee self.

Syempre kailangan ko ding magmadali kasi may pasok din ako noh!

Kala nila sila lang? Sus! Scholar ata ako sa isang sikat na school. Sabi sa inyo matalino ako eh!

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon