CHAPTER 15
•AERIN's POV•Nagulat talaga ako sa biglaang pagyakap ni Glaciero sa akin, rinig na rinig ko pa ang kabog ng kanyang dibdib.
S-sheeeet! Kinakabahan din ba siya?
S-saka nakayakap pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Wala ba siyang balak humiwalay?
Aba'y namumuro na 'to ah!
"G-glaciero?" untag ko sa kanya.
Humiwalay naman siya sa'kin at tiningnan ang kabuuan ko.
"Are you alright? A-are you hurt or what? Where?"Eh? Grabe naman 'to.
"T-teka lang Glaciero, dahan-dahan naman. Ang dami mong tanong ha! Hehe okay lang ako, w-wala namang masakit sa'kin eh"
Nasaan na kaya 'yong tumilapon na lalake? Okay lang kaya 'yon?
"You sure?"Kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata ni Glaciero, n-nag-alala talaga siya sa'kin.
Nakatitig lang ako sa kanya. Kumikislap ang kulay abuhin niyang mga mata at sobrang ganda ng mga ito.
Uwuu! Sana ganyan din ang mga mata ko. Natural kaya 'yan o contact lense lang?
"Hey freak!" untag naman nito sa'kin.Napakurap pa ako ng ilang beses sabay iling, nahihibang na ata ako hays!
"A-ah Oo hehe sure na sure ako do'n"
Nag thumbs up pa ako sa kanya at ngumiti. Napailing naman siya.
Bakit?
"Hey freak! Every time I saved you, you didn't even say 'thank you' to me. Are you not that grateful?"
E-eh?
Hanudaw?
(0_0)Oo nga noh? Ni hindi ako nag thank you sa kanya kahit isang beses, hindi nga ba?
Weeeeh? As in?
"A-ay hehe sorry na Glaciero! T-thank you ha? Kung di ka dumating kanina, di ko alam kung anong mangyayari sa'kin"
Hehe para akong nagda-drama sa lagay ko pero sincere kaya ako do'n."Tsk, be extra careful next time freak"
Eh? Ba't kaya freak nang freak 'to eh Aerin ang pangalan ko? Ang layo naman ng agwat.
"Opo Glaciero hehe"ChOur, ang galang ko naman.
"Tsk"
Eh?
Anyare do'n? nag walk out na naman siya.
Ano bang problema no'n?
Aba'y gusto pa atang magpasuyo sa'kin. Bakit? Jowa ko ba siya?
Jowain muna niya ako kung gano'n, charot lang hihi.
"Twinny!"
Napalingon naman ako kay Caeli, tumatakbo siya palapit sa'kin. Ba't ngayon lang ang babaitang 'to?
Sayang di niya nakita sa Glaciero. Ayy takte! Mabuti na lang din pala dahil nakakahiya pag nakita niyang nakayakap ito sa'kin.
Eeeeeeh? Ang init ng mukha ko pag naalala ko 'yon.
"Twinny? Okay ka lang?"
Ay.
"Oo Caeli hehehe" ngumiti na lang ako sa kanya ng peke.
"Pasensya ka na ngayon lang ako ha? Natagalan kasi si manang sa paghahanda do'n sa pagkain natin eh. Ba't ka nga pala nandito?"
Ah kaya pala, hehe mabuti na ring nahuli siya dahil mukhang wala siyang alam tungkol sa nangyari sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantezieAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...