CHAPTER 16: She's hot as hell

2.5K 129 1
                                    

CHAPTER 16
 
 
•AERIN's POV•

Nandito na kami ni Caeli sa dorm. Umuwi na kasi kami pagkatapos no'ng last naming ginawa.

Masasabi kong medyo marami na rin akong natutunan. Yieeeeee! Fast learner ata ako hihi.

'Yong paglutang na lang sa hangin ang medyo di ko pa nama-master pero alam ko na kung paano 'yon gawin. 

Sabi pa ni Caeli, kunting ensayo na lang eh gagaling na ako sa bagay na 'yon.

chOur, ansaya kooooooO.

Pero hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko 'yong lalakeng nakita ko do'n sa training ground.

Sino kaya 'yon? Ba't gano'n na lang siya kung makatitig sa'kin? P-parang galit siya.

Pero pakiramdam ko talaga si Glaciero 'yon eh kaso iba naman siya kung maglakad.
 
Ayy ewan ko na.

Hmmm, kung tatanungin ko na lang kaya siya? Kaso nakakahiya namang mag approach sa lalakeng 'yon.

Baka mamaya, di niya ako sasagutin. Eh di napahiya pa ako? Abaaaa ayoko nga!

Siya kaya 'yon? Kaya ba siya gano'n na lang siya makatingin eh dahil nakita niya kami ni Red?

A-ang awkward pa naman ng posisyon namin do'n. Hihi para kaming bagong kasal kasi ano eh, uhmm ano, hihi bridal style gano'n! Yieeeeee.

Ayy Oo nga pala!

Alam ko na kung bakit nagawa akong saluhin ni Red kahit nasa malayo naman siya no'n.

Sinabi niya sa'kin na isa 'yon sa special ability niya, 'yong parang speed gano'n, ah basta sobrang bilis niya!

Supersayan ba siya?
 
Kaya pala nag offer siya sa'kin dati na siya na maghatid sa'kin sa office ni HM kasi mabilis siya.
 
P-pero masasabi kong mas mabilis ang teleportation ni Glaciero do'n.

Ay! Ba't ko ba sila pinagkukumpara? Eeeeeh?
 
"Twinny! Una na ako sa'yo ha? Magpapahinga na ako sa kwarto ko, hehe napagod ako do'n ah"

Tumango lang ako kay Caeli. Andito pa kasi ako sa sala habang umiinom ng tubig.

Balak ko kasi sanang hintayin sila lalo na si Glaciero dahil may itatanong ako sa kanya.

"Nga pala Twinny! Wag mo na silang hintayin dahil paniguradong matatagalan ang mga 'yon. Magpahinga ka na lang dahil mag-eensayo pa tayo bukas"

Ayy Oo nga pala.
 
Sabagay, pagod na din ako.

Pumasok na lang ako sa aking magandang kwarto at naligo.

Oo, naligo ako ulit kahit galing akong training!

Eh kasi feeling ko ang dumi² ko na eh, eh diba nadapa ako kanina? Tapos may pumulupot pang baging sa'kin dahil sa lalakeng 'yon.

Kumusta na kaya siya? Di kaya siya nabalian? Masakit 'yon for sure.

Naalala ko na naman 'yong pagyakap ni Glaciero sa'kin kanina. Tae! Ba't ba siya 'yong lagi kong naiisip?
 
Huhu di kaya malandi na ako? Uwuu di noh!

"Bye my pretty² dolphins!"

Tapos na akong maligo eh kaya I need to bihis² na hihi.

Nagsuot na lang ako ng pantulog ko. Oo, sosyalan ang peg ko dito unlike do'n kila Tita.

Oo nga pala, kumusta na kaya sila Tita? Okay na kaya 'yong dalawang demonyita?

Infairness, nami-miss ko na sila kahit gano'n na lang kagaspang ang mga ugali no'n.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon