CHAPTER 3
Natapos ang buong araw na latang-lata ako. As in pagod na pagod na pagod na ako! (insert Kathryn Bernardo's voice here HAHAHA)Ang daming nangyari sa araw na ito, kasing dami na ng pimples ko, hays.
"Ano kayang pwede kong gawin para mawala kayo? Hmmm?"
Nakaharap ako ngayon sa maliit na salamin. Buti na lang hindi ito nakakapagsalita dahil kapag nangyari iyon, malamang kanina pa ako nilait nito.
"Buti pa kayo nag-stay sa'kin noh? Talagang lab na lab niyo ako tsk"
At dahil feel ko nababaliw na naman ako, humiga na lang ako sa aking matigas na kama para matulog.
Matigas kasi nga hindi maganda ang trato nila sa'kin, well sanay na ako do'n.
Hindi ko alam kung bakit gano'n ang trato nila sa'kin basta ang alam ko, wala akong alam.
H-ha?
Hakdog.
Gabi na nga pala ngayon mga dear! Akalain mo 'yon? Gabi na agad tas di pa ako nakakakain.
Anong kakainin ko? Eh inubos no'ng dalawang gasul ang niluto ko.
Mga patay-gutom!
Jusko.
"Thirty six, thirty seven, thirty eight, thirty nine....."
Kanina pa ako nagbibilang ng mga kambing sa isipan ko para makatulog pero kahit anong gawin ko, ayaw talaga ng mga mata ko!
Ays! Masyadong ma attitude ang aking lovable eyes ngayon ah.
Pati ang katiting kong utak, nakisabay! Ayaw ding tumigil kakaisip sa nangyari sa'kin.
"Haaaaays!"
Kailangan ko ng magpahinga kasi nga diba sabi no'ng god of fire, need kong mag ready?
Paanong ready ba ang ibig niyang sabihin?
Ibabalot ko na ba ang mga damit ko? Para ready layas na?
Eh?
Wala man lang silang warning sa akin para naman kahit papaano eh napaghandaan ko diba?
Para naman nakapagresearch ako kung ano 'yong mga sinasabi nila para di na ako magulat gano'n.
Kaso wala eh. Gusto nila suprise! Este surprise pala.Ang ganda ng surprise nila, nakakagulat! Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon~ eerr napakanta pa tuloy ako hays.
Tiningnan ko 'yong wrist ko, ando'n pa rin 'yong simbolo. Forever ka na ba dyan?May forever ba? Parang wala ata? Ay basta di ako bitter noh!
Saka buti na lang di na siya sumasakit dahil pag nagkataon baka putulin ko na 'to.
Pero charot lang, di ko kaya 'yon.
I was about to get up when (ChOur HAHA ume-english pa ha?)
Pero uy! Kahit kaanak ko si Daldalita eh matalino din naman ako kahit papano noh.
Saka major in English ata kinuha ko no'ng college kaso ngayon, bumalik akong highschool kasi may nakalimutan akong English word dati, di ko lang alam kung ano iyon.
Oo, pero joke ko lang iyon. Tawa na kayo dali!
Takte! Talagang nababaliw na ako.
Tatayo na sana ako para pumuntang kusina kasi nauuhaw ako eh kaso may narinig akong ingay sa labas!
Jusko! Don't tell me ibang god na naman 'to? Naku, sana naman hindi.
Tingin ko mamamatay ako pag may ibang god na naman akong makakaharap ngayon. Diba pwedeng ipagbukas na lang?
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...