•AERIN's POV•Nandito na ulit ako sa inuupuan namin. Pagkatapos kasing gamutin ang mga galos ko ay bumalik na agad ako dito.
"Congrats Aerin!"
"Uuy galing mo"
"Congrats"
"Congratulations"
"Salamat hihi"
Puro paghanga ang natatanggap ko mula sa mga mages na narito habang ang sama naman ng tingin sa akin ni Marne.
Jusko! Ang bitter ng isang 'to, ampalaya ka sizst? Move on na wuy!
Napatingin naman ako sa pwesto ng mga Royalties, naka thumbs up sa'kin si Caeli kaya kumaway ako pero sakto ding napatingin sa'kin si Glaciero. Napangiti naman siya.
Eh?
Natanaw ko namang may maliit na umiilaw ang lumilipad mula sa kanya at papunta na sa kinaroroonan ko.
Wait---? Daldalitaaaaa? Waaaaaah na miss ko siya!
"Hi Ms Aerin!"
"Daldalita!" bulong ko namang salubong sa kanya.
"Pinapasabi ni master na binabati ka daw niya sa pagkapanalo mo"Uminit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba 'yon? Yieeeee hehe Glaciero talaga ey.
Pumatong naman si Daldalita sa palad ko at nanuod na. Patuloy pa rin ang battle at masasabi kong ang gagaling ng mga naglalaban.
May mga gumagamit ng special abilities tulad ng illusion, invisibility, manipulation at iba pa! Nakakamangha ang kanilang galing.
Isa sa mga mananalo ngayon ay ang makakalaban ko sa susunod. Kinakabahan ako dahil paniguradong mas magaling pa siya sa'kin.
Ilang oras lang ay tapos na ring lumaban ang lahat ng taga-Lower Class. Syempre, kalahati sa amin ay natalo at ang kalahati naman ay nanalo at isa na ako do'n, ang saya ko yieeeee!
Congrats self.
Nakita ko namang tumayo si HM at naglakad papunta sa mikropono. Alam kong may sasabihin na naman siya. Opkurs, alangan naman kung kakanta siya do'n diba? Pero pwede din, hihi intermission number HAHAHA.
"Binabati namin ang lahat ng mga nanalo sa lower class. Nawa'y galingan niyo pa sa susunod hanggang sa masungkit niyo ang dulo ng tagumpay"
Masungkit HM? Kukuha na ba ako ng panungkit? Ayy charot lang.
"Ngayon ang maglalaban ay ang nasa Average Class! Pareho pa rin ang mechanics kaya galingan niyo. Again, congratulations sa mga nananalo"
Pagkatapos niyang magsalita ay nag spin na ulit ang screen. Nakakahilo naman ito ey, hays. No'ng tumigil na ay binasa ko naman ang nakasulat.
"Daphne Frey vs. Jaxiee Rivery"
Wuuuuut?!
"Hala Lei, s-si Daphne ang una!""Oo nga"
Pero teka-- pamilyar sa akin ang makakalaban niya ah. Saan ko nga ba siya nakita?
Kilala ko 'to eh!
(0_0)
Owemji! 'Y-yong isa sa mga alipores ni Water Lily!
Pero sure ako na di na nila ako kilala kasi after no'ng revenge ko sa kanila eh binura ko na 'yong mga memories nila ey.
Pffft kapag naaalala ko 'yon ay talagang natatawa ako. Ibang klase kasi ang trip ni RV ey!
Lumingon-lingon naman ako sa paligid, nagbabasakaling makita ko si RV kaso di ko siya nakita. Nasaan kaya naka-pwesto ang taong 'yon?
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...