CHAPTER 9
•AERISH's POV•Sabi nila maingay daw ako.
Well, totoo naman 'yon hihihi.
Pero syempre hindi ako si Aerish Caeli Ventus kung di ako maingay noh!
Saka talagang nakakabit na sa pangalan ko ang titulong iyon.
Pero talagang nagulat ako sa sinabi kanina ni Ulan. Alam kong nagbibiro lang siya pero iba talaga ang epekto nito sa'kin.
Pero wala akong gusto sa kanya noh! Asa pa siya.
Hangin ang kapangyarihan ko pero mas mahangin pa talaga ang lalaking 'yon, daig pa powers ko sa kahanginan.
Ngayon, andito ako sa may maliit na purok, naghihintay sa kanila.
Dito ako dumiritso dahil gusto ko lang siyang asarin pero mukhang nalaman niya agad ang balak ko kaya nakapaghanda siya.
Sayang! Akala ko mahuhulog na naman siya, hihihi.
Sa di kalayuan, nakita ko ang isang aso na talagang ang sama ng tingin sa'kin.
Haluuuuh!
"Hehe hi doggie-doggy! Wag mo'kong kagatin ha? Hehehe friends tayo ha?"
Sabi ko pa sa kanya habang winawagayway ang kamay ko pero ang walangya! Tinatahulan ako. Huhuhu
Di naman ako masyadong payat para akalain niyang buto² ako ah.
"Doggy! Wag kang lalapit ha? Baka mapalipad kita palayo, lagot ka"
Pananakot ko pa sa kanya pero tae! Di ko alam kung isa ba siyang bobong aso kasi talagang lumapit pa ang hinayupak!
Pag gagamitin ko ang powers ko, maraming makakakita sa'kin. Eh wala pa naman sila Ulan dito huhu.
"Hehe dogg--------"
(0_0)
Lumapit na talaga! Tumatahol pa!
"Waaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko habang tumatakbo palayo sa purok na 'yon.
Pero waaaaah huhu! Hinahabol niya talaga ako. Di naman ako pagkain ey!
Promise talaga, kakain na ako ng marami! Huhu
*booooooogsh!*
"Araaaaaaaay!"
Naman eh! Ang sakit ng pwet ko huhu.
May nabangga ako kasi lagi akong lumilingon sa likod baka maabutan ako no'ng walangyang aso na 'yon!
"Aerish? Ba't ka tumatakbo?"
Napatingin ako sa nagtanong, si Ulan!
Napatayo ako bigla at napayakap sa kanya. Talagang kinabahan ako do'n ah, buti na lang dumating sila.
"Eheeem!"
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Ulan. B-ba't ko ba siya niyakap? Waaaaah nakakahiya!
"Ah natu--------"
"Let's go!"
Ay. Mag-e explain pa sana ako eh kaso mukhang seryoso itong isa naming kasama.
Nilingon ko ulit 'yong pinanggalingan ko, wala na do'n 'yong aso. Hays! Akala ko talaga tapos na ang araw ko eh buti na lang talaga.
Naalala ko na naman 'yong pagyakap ko sa kanya. Uwaaaaaah! Huhu natuwa lang talaga ako no'n, pramis!
____________________________________
•RAYNDELL's POV•
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantezieAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...