CHAPTER 64: Revealing the Truth

1.8K 84 2
                                    


•YESHA's POV•

Sigaw lang ang tanging magagawa ko habang patuloy na umaagos ang mga luhang dulot ng sakit.

Sobrang sakit.

Sobrang hirap.

Parang hinuhugot ang kaluluwa mula sa'kin. Bawat pagsigaw ko ay parang gusto ko ng mawalan ng buhay para di ko na maramdaman ang sakit.

Rinig na rinig ko ang mga halakhak mula sa demonyong nasa harapan ko. Wala siyang awa, ang sama niya!

"AAAAAAAAH! TAMA NA!"

Halos maputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa malalakas kong sigaw. Hindi ko na kaya! G-gusto ko ng magpahinga pero bakit hindi pa ako namamatay?

Hinang-hina na ako, wala ng lakas para magpatuloy pero nararamdaman ko ang sakit, sobrang sakit.

Naririnig ko ang mga pagkulog ng kalangitan, parang dinadamayan ako. Hindi ko alam kung paano patigilin ang sakit at ang paghihirap ko, hinihintay ko na lang ang katapusan ko.

Wala na akong pag-asa.

Wala na akong kapangyarihan.

Wala na akong silbi!

"AAAAAAAAAHHHHHH!" huli kong sigaw bago pa tuluyang mawalan ng malay.

Sa wakas, makapagpapahinga na rin ako.

Kung sakaling mabubuhay pa ako pagkatapos nito, gusto kong masaksihan ang pagkatalo ng kasamaan laban sa kabutihan.

Naniniwala ako, mangyayari iyon.

____________________________________
•DARK KING's POV•

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Ang aking malakas na paghalakhak ang namayani sa buong silid, palatandaan na ako'y nagtagumpay sa pagkuha ng kanyang kapangyarihan.

Sa wakas ay nasa akin na ang lahat ng kapangyarihan. Ngayon pa lang ay malaki na ang lamang ko sa mga taga-Lux, dudurugin ko silang lahat!
 
Napangisi ako sa aking naisip, sigurado akong hindi na sila mapakali ngayon. Anong mga paghahanda kaya ang kanilang ginagawa ngayong alam nilang nasa akin ang kanilang tagapagligtas? HAHAHAHA.

Huwag kayong mag-alala, isasauli ko na sa inyo ang inyong tinatawag na Chosen pero kinuha ko na ang tangi ninyong pag-asa!

Wala na kayong laban sa akin at hindi na ako makapaghihintay na makita kayong nahihirapan at namamatay.

Agad akong pumunta sa aking trono at pinatunog ang aking maliit na kampana para tawagin ang aking lingkod na si Jewel. 

Bukod sa aking anak-anakan at kay Asgar, si Jewel ang isa sa aking tapat na tauhan at nararapat lamang na may matanggap siya mula sa akin.

"Kamahalan, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Ikaw ay naging tapat sa akin mula pa noon at kahit kailan ay hindi mo ako binigo, tanggapin mo ang aking ibibigay"

"A-ano po iyon?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Pumikit ako at binanggit ang mga salita para maisalin sa kanya ang aking mahika no'ng ako'y hindi pa isang hari.

Ilang sandali lang ay nag-iba ang kulay ng kanyang buhok hudyat na tagumpay kong nailipat sa kanya ang kapangyarihang iyon.

"Ngayon ay nasa iyo na ang kapangyarihang pinagkaloob ko sa'yo. Lumalakas ka na at kayang-kaya mo ng talunin ang sinumang makakalaban mo"

Mangha naman niyang tiningnan ang sariling repleksyon mula sa ginawa niyang salamin. Sinubukan niya pang gamitin ang kapangyarihan at talagang malakas nga ito.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon