CHAPTER 49: The King and Queen of Air Kingdom

1.7K 80 3
                                    


•AERIN's POV•
 
Nandito ako sa harap ng isang lagusan. Kapag tinitingnan mo ang nasa loob ay hindi lupa ang makikita mo kundi isang lugar na punong-puno ng ice tapos ang kalangitan ay parang galit dahil sa mga kidlat.

Ikatlong araw ko na dito. No'ng mga nakaraang araw ay puro pag-uusap lang ang ginagawa namin tungkol sa mga kinakailangan kong tandaan at gawin.

Sabi nila, magpunta daw ako dito sa lugar na 'to. Papasok at mananatili sa loob ng isang araw as part sa training. P-pero di kaya mapo-froze ako dito? Baka ito pa 'yong ikamatay ko. Jusko! Ayoko pang matigok noh.

Kailangan ko daw kasing sanayin ang sarili ko sa malamig na temperatura para hindi daw mabigla ang katawan ko pag tinatanggap ko na ang elemento pero ngayon pa lang eh biglang-bigla na ako.

'Yong suot ko, di naman makapal, di rin naman manipis, sakto lang gano'n with tsinelas na gawa sa kahoy. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Ewan ko ba, parang dead end na sa'kin ang lugar na 'to.

"Pumasok ka na, Snow"

Oo, Snow ang tawag sa'kin ni goddess Iciel kahit na di naman ako tulad ni Snow White na maputi. No'ng tinawag niya ako sa gano'ng pangalan, feeling ko ako si Snow White eh pero di ko alam na literal na snow pala ang kasasadlakan ko.

Tapos may bonus pang mga kidlat. Paano na lang kung biglang tumama sa ice ang kidlat? Syempre kahit papaano eh may part pa rin do'n ang tubig. Tae! Talagang tigok ang aabutin ko.

"Leighra, pumasok ka na" sabi naman ng god of lightning, si Volt.

Ang weird talaga nila, ang dami ko na tuloy pangalan.
 
"S-sige. Pag ako natigok dito, mumultuhin ko talaga kayo pramis!" sabi ko pa sa kanila. 

Kunot-noo naman nila akong tiningnan at sabay na umiiling-iling tas bigla na lang nawala. Mga agik! Nakuuuuu. Makapasok na nga.

Bbrrrrrrr! Ang lamig talaga amputek, parang tumigas ang kalamnan ko pati na ang mga organs ko huhu.

Kung tutuusin pwede akong maglaro dito o di kaya mag skating. Malamig sa ilong ang hangin, nakakapanindig balahibo pero nakakagulat din minsan ang mga kidlat. Siguro kailangan ko na lang mag enjoy dito total para din naman siyang Baguio sa mortal world eh.

First time ko makapunta sa ganitong lugar kaya lubus-lubusin ko na kaya lang ang suot ko ay di tama sa ganitong lugar. Ewan ko ba kay Iciel kung bakit ito ang pinapasuot niya eh alam naman niyang full of snow or ice ang pupuntahan ko.

Siguro, papatayin talaga nila ako ey.

Sinubukan kong maglakad sa may mataas na bahagi. Oo, mag pa slide² ako dito HAHAHAHA parang bata ey. Wala akong ibang gamit maliban sa mga suot ko kaya hinubad ko muna ang tsinelas tapos tinutusok ko sa snow para may makapitan naman ako at para di ako mapadausdos pababa!

Ang hirap ng buhay huhu. For sure, tinatawanan na ako ng mga 'yon. Bahala sila, mag e-enjoy ako dito kahit malamig.

Isang araw. Isang araw akong mananatili dito at sana makayanan ko.
 
Sana...

__________________________________
•RAIDEN's POV•
 
Balik-skwela na ang lahat pero mas napapadalas ang pag-eensayo ng mga estudyante base na rin sa sinabi HM. Kailangan na talaga naming maghanda para sa darating na panganib.

Nasa kanila ang tagapagmana, hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya pero sa tingin ko ay gagamitin lang siya laban sa'min. Wala kaming laban kung gano'n ang mangyayari pero gagawin namin ang lahat para mailigtas ang buong Lux.
 
Sana okay lang si Chosen. I hope she won't let the Dark King to use her para sirain kami.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon