•AERIN's POV•Nandito na ulit ako sa room namin. Ngayon ang huling araw ng klase dahil sabado na bukas pero ang sabi ni Lei, pwede kaming pumunta sa tiangge kaso naunahan na siya ni RV.
Remember no'ng sinabi niyang ipapasyal niya ako? Kung di mo naaalala, aba'y matanda ka na chOur.
Si Eggy ay pumasok na sa katawan ko tulad no'ng mga nakakatanggap, nagkakaroon din ako ng isang tattoo. Nasa may palad malapit sa mga simbolo ko ang tattoo na 'to. Kamukhang-kamukha ni Eggy hihi, ang kyut talaga!
Nga pala, sobrang kinabahan ako kagabi. Ganito kasi ang nangyari:------------------Flashback-------------------
"Aerin? Anong ginagawa mo dyan?"
Kasabay ng pagsulpot ni Lei ay ang pagbagsak ng bowl at baso na hawak ko. Hindi ko siya sinagot at dahan-dahang yumuko. Waaaaaah! Nasasayang ang gatas na tinimpla kooooooO.
"Hoy Aerin! Wag mong pulutin 'yan baka masugatan ka"
Tiningnan ko si Lei. Sabog na sabog ang buhok niya, grabe. Di man lang ba siya nag-ayos bago lumabas? Para siyang aswang, naku.
"Ba't ka naman natatakot? Healer ka diba? Saka waaaah! Ginulat mo'ko eh, ayan tuloy natapon ang gatas koooo huhu"
Nagdadabog ako sa harap niya kaya siya na mismo ang pumulot sa mga bubog at itinapon sa may basurahan. Tinimplahan niya pa ako ng isang basong gatas pero kumuha ako ng bowl at isinalin ito.
Akmang aalis na ako no'ng bigla akong hinatak ni Daph, sobrang lakas pa kaya parang mapuputol ang braso ko. Nagulat naman si Lei sa ginawa nito at napaawang ang bibig. Yuck! May laway pang tumulo.
"Mag-uusap tayo" mariin nitong sabi kaya napalunok ako.
Huhu paktay na. Para siyang galit, di kaya napansin niya ako? Anong palusot ang sasabihin ko? Di ko naman sinasadyang marinig ang mga sinasabi niya kanina eh.
Dinala niya ako sa labas ng dorm. Jusko! Kinakabahan ako. Daphne, wala akong narinig pramis.
"B-bakit mo ako dinala dito Daph? Inaantok pa naman ako" sabi ko sa kanya sabay hikab.
Huhu kailangan kong magpanggap na walang alam dahil baka papatayin niya ako kapag nagkataon. P-pero mabait naman siguro siya diba?
"Magsabi ka ng totoo Aerin, m-may narinig ka ba kanina?"
Ba't parang feeling ko ay kabado si Daph? Ayaw ba niyang malaman namin na buhay ang mga magulang niya? Baka maaari ko siyang matulungan.
Helpful kaya ako.
"Ano bang dapat kong marinig Daph? Nagtitimpla lang ako ng gatas sa kusina no'ng biglang sumulpot si Lei kaya nagulat ako at napasigaw. Di ko nga napansin na nando'n ka pala" sagot ko naman sa kanya.
Medyo magaling akong umarte dahil na rin sa bff ko si Yesha hihi.
"S-sigurado ka ba?" paniniguro niya.
Teka nga---ano bang problema niya?
"Oo, bakit parang kinakabahan ka? May dapat ba akong malaman?"
"Wala, bumalik ka na sa kwarto mo"
"Meron 'yan eh. Kilala kita, alam kong may tinatago ka sa'min"
Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya sobrang kinakabahan ako. Paano na lang pag sunugin niya ako ng buhay? Fire mage pa naman siya.
"Ang sabi ko, bumalik ka na sa kwarto mo!"
"O-oo na"
Kumaripas naman ako ng takbo papasok sa dorm at dumiretso sa kwarto ko. Ang gatas na tinimpla ni Lei, h-hindi ko nadala. Hays!
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasíaAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...