CHAPTER 45: Saving her parents

1.7K 79 2
                                    


•AERIN's POV•

Nandito na ako sa dorm namin at naghanda na para sabihin kay Daph ang lahat. Sana lang at bukas ang isipan niya sa mga bagay-bagay para di na ako mahirapan pa.

Actually, wala namang nangyari do'n sa clinic. Nagulat lang daw 'yong mga Royalties dahil nakita nila kaming tumatawa at parang close na close.

------------------Flashback-------------------

"What's going on here?!"

Nagulat ako no'ng biglang bumukas ang pintuan at sumulpot ang mga gulat ding mga mukha ng mga Royalties.

Jusko! Narinig kaya nila ang buong pinag-uusapan namin ni Yesha? Wag naman sana.

"Oh? N-nakabalik na pala kayo agad"

Pinisil ko ng bahagya ang kamay ni Yesha kasi parang kinakabahan siya. Huminga naman siya ng malalim sabay ngiti sa mga ito.

"Gising ka na pala, Aerin. Ba't parang close na close kayo?" tanong naman ni Aqua.

"They're friends after all" sabat naman ni Glaciero.

A-alam niya?

Pero paano?

"Friends? Ba't wala kaming alam? Alam mo, Ice?" taka namang tanong ni Eris.

Ba't ang dami nilang tanong?

"Ask Chosen"

Napalunok ng bahagya si Yesha. Sh*t! Ano na ang sasabihin niya? Di ako pwedeng magsalita dahil baka masira lang ang buong plano, hays.

"Yes, we're friends"

(0_0)

I-inamin niya? Bakit?

Nakita ko namang mas lalong nagulat ang lahat. Di nila ito inasahan for sure, owemji.

"What?!"

"Bff ko siya. Nakita kami ni Ice dati sa school namin no'ng panahong sabay kaming pumasok pero no'ng nakarating ako dito, hindi ko siya maalala kaya gano'n na lang ang pagtrato ko sa kanya" 

Hindi daw niya ako nakikilala? Gawa-gawa niya lang ba 'to? Para kasing totoo eh. Ang galing niya talaga!
 
S-saka nakita na pala siya ni Glaciero dati? Wala man lang binanggit sa'kin ang mokong na 'yon.

"N-ngayon ko lang siya naalala. No'ng nakita ko siyang nakahilata dito, naalala ko din 'yong panahong ako ang nagbabantay sa kanya kapag may sakit siya"

Huh?

Anong pinagsasabi niya? Wala akong maalala na ganyan ah. Hehe mas mabuti na talagang manahimik kesa sumabat, baka masira pa mga palusot ni bff.

"Gano'n pala 'yon? Ang sakit naman no'n sa part mo Aerin. Ikaw ba, naaalala mo siya?" tanong sa'kin ni Cold Water.

Ba't biglang sa'kin na naman Cold Water? Interviewer ka? Sus!

"Oo, n-naaalala ko siya kaya nga nasaktan siya no'ng panahong gusto ko siyang kausapin eh pero ayaw niya kaya di na lang ako nagpumilit. Hindi din ako makapaniwalang ang bff ko pala ang matagal niyo ng hinahanap kaya naisip ko, siguro hindi na niya ako naalala dahil iba na ang katauhan niya"

Sana naman makapasa ang palusot ko noh? Ang hirap kaya mag-isip ng palusot.

Napansin kong natahimik sila pagkatapos ay di na nagtanong pa.

I-ibig sabihin di nila narinig ang buong kwento? Yieeeee! Ang saya kooooooO. Ang hirap sigurong mag explain kapag nalaman nilang lahat ang totoo.

Kinakabahan ako, hays.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon