CHAPTER 6: His name

4K 172 27
                                    

CHAPTER 6


AERIN's POV

"Aerisha! Kailangang makabalik ka na sa mundo niyo dahil tulad ng sinabi ko, di pa kaya ng katawan mo lalo na't biglaan ito"

Ayy ba't feeling ko nagra-rhyme 'yong mga sinasabi niya?

Saka ayoko pang bumalik! Andami-dami pa nyang ikwe-kwento eh.

"Ayoko pa Hera, dito muna ako saka ilang minuto pa naman akong nandito eh"

Eh di ako na matigas ang ulo. Bakit may malambot ba na ulo?

Kung meron aba'y di ko alam 'yon, huehuehue.

"HAHAHA Aerisha! Ang minuto doon sa mundo niyo'y isang oras dito sa'min"

Ha?

Hakdog.

Isang oras? As in? Weeeeh? Baka walang battery 'yong relo ni Hera para masabi niyang isang oras iyon.

Bigyan ko kaya siya? Kaso kahit relo ko wala ding battery eh!

Ba't ba? Eh poor ako eh, poor you yieeeeee! HAHAHA

Tae! Nahawa na ako sa kabaliwan nitong si Hera.

"Ibabalik na kita ha?"

(0_0) tae!

"Hoy Hera! Ano? Ihuhulog mo na naman ako? Abaaa! Wag gano'n, walang sasalo sa'kin"

Ansama ng goddess na ito. Sana kung ihulog niya ako eh padalhan niya rin dapat ako ng taga-salo sa'kin.

Masakit mahulog lalo na't di ka sasaluhin. Aba'y umiyak ka na agad pag gano'n.

"Oo Aerisha kasi 'yon ang paraan ng portal ko. Wala ka ng magagawa, masasanay ka rin"

Di ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

Kung masasanay ako sa portal o masasanay na walang sasalo.

Takte! Talagang tunay na mapanakit ang isang 'to.

Iiyak na ba ako? Wag na, ang sipon ko baka mauna pang tutulo. ChOur lang.

"Hera, ala------"

Tae ka Hera!

"Waaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko.

*paaaaaaaak!*

(0_0)

Watdahek? Ako ba'y sinampal ng isang demonyo?

Taena! Ang gaspang ng kamay no'n ah.

Ba't ba sa tuwing si Hera ang mag-uuwi sa'kin eh laging sampal ang sumasalubong sa'kin?

Masakit na mukha ko ha!

Napalingon ako sa kung sinong asurot ang sumampal sa mukha kong may pimples.

(0_0)

Nagulat ako ulit sa nakita ko.

Uwuuuu! Totoo ba 'to? Baka nanaginip na naman ako nito ah. Naku! Wag mo na akong gisingin kung gano'n.

Ang ka-forever ko andito!

Y-yong hinampas ko ng arinola! 'Yong mokong na akala mo gwapo pero gwapo naman talaga.

Sheeeeeet! Siya ba iyong nagbantay sa'kin? Aluuuuuuh! Kinikilig ako tae!

Nandito na naman ako sa clinic. Suki na nga pala ako dito.

"Hey!" untag nito sa'kin.

Ang sexy ng boses parang boses ni Kim Taehyung. Uwuuuu owemji!

"Hey! You're drooling!"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon