CHAPTER 57: She's Finally Back

1.7K 89 6
                                    


•ERIS' POV•

Nagkakasiyahan pa rin ang lahat kahit na gabi na. Nagkakainuman ang mga lalake samantalang nagkakantahan naman ang mga babae.

Hindi na rin ako nag reklamo pa dahil minsan lang naman mangyari ang ganitong pagkakataon sa'min. Nilalaan namin ang halos buong buhay sa paggawa ng mga misyon at training, deserve din naming magsaya.

Alam kong temporary lang 'to kaya lubos-lubusin na. Nararamdaman kong malapit na ang digmaan dahil hindi na masyadong maliwanag ang sikat ng araw. Malapit na pero di ko pa rin nasasabi kay Ice ang nararamdaman ko.

Oo, may gusto ako sa kanya. I mean, mahal ko siya dati pa kaya lang kaibigan ko si Freyda kaya nag give way na lang ako pero sa tingin ko, hindi niya rin ako nagugustuhan tulad ni Freyda. Masakit isipin na gano'n nga ang totoo pero gusto ko pa ring sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Wala naman sigurong masama kung aamin ako sa kanya diba? Kailangan ko 'tong masabi dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos ng digmaan.

"Eris! Halika, kumanta ka. Alam kong maganda ang boses mo kaya dali na" aya sa'kin ni Aqua.

Umiling lang ako sa kanya dahil nahihiya ako. Aaminin ko, mahilig akong kumanta pero di ko pinaparinig sa iba maliban sa aking ina. Sabi niya, maganda daw ang boses ko pero di ko alam kung bakit alam ni Aqua ang bagay na 'yon.

"Ayoko, may babasahin pa ako eh" tanggi ko sa kanya sabay pakita no'ng itim na libro.

Kinuha naman niyo ito sa'kin at bigla na lang binasa. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatayo ako at hinablot sa kanya 'yon.

"B-ba't mo binasa?!" gulat kong tanong. 
 
Mahalaga ang librong 'to, tungkol 'to sa Dark King eh. Hays! Kahit kailan talaga itong Aqua, lagi na lang ganyan. Lagot talaga ako kay Mrs Frey nito eh.

"Patutuyuin ko 'yan pag kumanta ka na Eris" sabat naman ni Aerish.

Wala akong nagawa kundi tumango kaya tuwang-tuwa naman ang dalawa. Hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon dahil hindi rin naman ako mahilig makihalubilo sa kanila. I mean, sumasama ako sa mga gimik nila pero nasa libro halos ang atensyon ko.

"Hoy guys! Attention please? Kakanta si Eris ngayon kaya makinig kayo dahil minsan lang 'to" tawag ni Aqua sa atensyon ng lahat.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako at nahihiya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sigurado akong nakatingin ngayon sa'kin si Ice. N-naiilang ako.

Kinuha ko muna ang isang baso na may lamang alak at ininom. Kailangan lang pampalakas-loob para mawala man lang kahit papaano ang hiya ko.

"Woooooh! Go Eris!" hiyaw ni Rayndell.
 
Putek, k-kinakabahan talaga ako. Hays, bahala na.

"Oh, magsimula ka na Eris!"

"Dito ka sa harap!"

"Yeeeey! Galingan mo ah"

Huminga na lang ako ng malalim at hinanda ang sarili. Kung ano mang mangyari ngayong gabi, tatanggapin ko 'yon. Kakanta na talaga ako, sana magustuhan niya.

"~You, you, you, you, you, you, you, you

~You, you, you, you, you, you, you, you 
 
~You, you, you, you, you, you, you, you 
 
~You, you, you, you, you, you, you, you 

~You, you, you, you, you, you, you, you 
 
~You, you, you, you, you, you, you, you 

~You, you, you, you, you, you, you, you

~You, you------------"

Sa simula pa lang ng kanta ay parang nahihilo ako pero mas nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila nila Aqua at Eris samantalang tumatawa naman si Rayndell pati na ang dalawa pang prinsipe.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon