CHAPTER 34: 3rd Phase (Maze)

1.6K 101 5
                                    


•AERIN's POV•

Kanina pa ako naglalakad pero wala pa akong nakakasalubong na kahit isang kalaban.

May mga napapansin akong halaman na gumagapang pero kapag nililingon ko eh bigla din namang titigil.

'Yong totoo? May nangti-trip ba sa'kin dito? Nakuuuu, bibitayin ko siya pag di ako makapagpigil.

May mga insekto ding lumilipad pero di ko alam kung anong klaseng insekto sila dahil kakaiba ang mga itsura. Wala akong nakitang gano'n do'n sa mortal world eh.

Ilang sandali pa'y may naaninag akong isang pigura ng tao sa unahan. Kinakabahan ako pero may excitement pa din akong nararamdaman dahil sa wakas may chance na rin akong makakuha ng isang diyamante.

Lumapit naman ako pero may pag-iingat pa din. Malay mo bigla niya akong aatakehin eh di nalagot pa ako? Mas mabuti ng mag-ingat kesa sa mapahamak pa noh.

At tama nga ako.

Isa siyang Royalty base na rin sa suot niya. Nakatalikod siya sa'kin kaya di ko makita ang mukha niya pero alam kong babae siya. Sino kaya 'to? Caeli? Eris? O si Aqua?

"H-hello? Caeli ikaw ba 'yan?"

"...."

"Hmmm, Aqua?"

"...."

"Aha! Ikaw 'to Eris noh?"

(0_0)

Agad naman akong umilag no'ng biglang may bumulusok na kahoy sa direksyon ko. Watdahek?! Wala man lang warning?

Mukhang tama nga ang hinala ko. Si Eris ang makakaharap ko ngayon pero ba't di pa rin siya gumagalaw? Nakatalikod pa rin siya sa'kin at di man lang ako nilingon.

Seryoso? Ayaw niya ba akong harapin? Paano ko makukuha sa kanya ang bato?

No'ng naramdaman kong wala ng pumupuntirya sa'kin ay mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya pero no'ng hinila ko na siya ay agad din akong napabitaw dahil may mga tinik na biglang lumabas sa katawan nito.

H-hindi siya 'to!
 
Isa lang pala 'yong patibong, hays!

Infairness, ang galing ni Eris gumawa ng ganito ah. Akalain mong sabay kaming pumasok dito pero may nagawa agad siya.

Di ko in-expect na siya ang makakalaban ko. Malaki ang advantage niya dahil isa siyang earth user at nandito kami sa isang maze na puro puno at mga halaman ang paligid.

Mahihirapan ata ako nito.

Pero di bale, matatalo ko rin siya! Dapat magtiwala ako sa kakayahan ko.

"Eris? Nasaan ka ba? Magpakita ka nga!" malakas na sigaw ko.

Ano? Magtataguan na lang ba kami dito? Hide and seek gano'n? Di ko alam na gusto pala niyang maglaro dito.

*sssssshhh*

*ssssshhh*

*sssssshhh*

(0_0)

A-ano 'yon?

A-ano 'yong narinig ko?!

Please tell me na mali ang nasa isip ko. Tell me na hindi tunog ng ahas 'yon. Waaaaaaah huhu!
 
"Waaaaaaaah!"

Para akong naglalaro ng chinese garter, nagtatalon! Langyaaaaa! May ahas. Ang daming ahas! I hate snakes. Heeeeeeeelp!

"Aaaargh! Umalis ka! Wag kayong lalapit!"

Naghe-hysterical na rin ako. I really hate snakes, kinikilabutan ako pag nakakakita ako ng mga ahas huhu.
 
Agad naman akong nagpalabas ng isang tornado para matangay lahat ng ahas sa paligid. Natatangay na rin ang ilang mga insekto pati na ang mga tuyong dahon. No'ng nasiguro kong wala ng natira ay agad kong ikinumpas ang kamay ko para itapon ito sa malayo. Wala akong pake kung may matamaan mang iba do'n basta wag lang sa'kin!

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon