•AERIN's POV•
"Terra, natanggap mo na ang buo kong kapangyarihan at tulad ng iba pa, hindi ka na kailangang magsanay pa sapagkat binigay ko na rin sa iyo ang aking kaalaman" sabi ni Earthremis sa'kin.
Nandito ako sa lugar ng Terradamia at ang sabi niya, dito daw niya kinuha ang pangalan ko. Aba'y pinag-isipan nga! Sabagay, maganda naman ang Terra kaya lang kapag paulit-ulit niyang binabanggit, nagiging tunog 'tira-tira' na.
Haha joke lang, baka ilibing ako nito ng buhay eh di nalagot pa ako? Pfft.
"Earthremis, buti na lang at di mo pa pinatagal ang pagbigay ng kapangyarihan mo noh?"
Di tulad ng iba na sobrang tagal, pinapahirapan pa ako.
"Gustuhin ko man pero hindi na pwede. Wala na tayong sapat na panahon dahil papalapit na ang araw ng digmaan"
(0_0)
Owemji! As in? Wala na ba talagang extension 'yon? Siguro excited lang ang Dark King na 'yon kaya pinaaga niya. Kakalowka.
"Eh paano kapag dumating na ang araw na 'yon tapos di ko pa nakumpleto ang lahat ng elemento? B-baka matalo lang ako" nag-aalala kong sabi.
Sa akin na lang sila umaasa sa araw na 'yan. Alam kong gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya kaya dapat gano'n rin ako. Kaya lang, di ko maiwasang panghinaan ng loob lalo na't may dalawa pa akong di natatanggap.
Bakit pa kasi di na nila ibigay ngayon? Pwede naman siguro diba?
"Wag mong isipin na matatalo ka Terra. Ang isa sa mga katangian ng isang tunay na tagapagmana ay ang lakas ng loob at katatagan kaya dapat mayroon ka nyan. Mananalo ka kung 'yan ang isasaisip mo"
Oo nga naman.
Saka di naman ako mag-isa eh. Nandyan naman ang mga light mages at ang mga Royalties, alam kong malalakas silang lahat.
"Tatandaan ko 'yan. Earthremis? Hindi ko ba pwedeng sabay na tanggapin ang dalawang natitirang kapangyarihan? Baka naman pwede para makapaghanda na agad ako" tanong ko pa sa kanya.
Umaasa akong pwede 'yon para makapaghanda na talaga ako. I mean, para sa darating na digmaan na ako maka-focus!
Nakita ko namang nag-isip siya at biglang naglaho. Tae! Saan na naman nagpunta 'yon? Baka nilayasan na ako? Gano'n ba kahirap ang tanong ko?
Grabe naman.
Siyanga pala, kapag natanggap ko na ang lahat ng elemento, mapapasaakin na din ang mga abilities. Ang sabi ni Hera, hindi lahat ng abilities ay magagamit ko once at a time tulad ng mga minor abilities like mind reading, telepathy, and etc.
Ang sabi naman ni Mira, para mapadali ang pagtalo sa kalaban ay dapat alam mo ang kanyang kahinaan at gamitin ito pero hanggang ngayon eh di ko naman alam kung anong kahinaan ng Dark King na 'yon.
Ni hindi ko nga alam kung sino 'yon. Di ko alam ang pangalan niya at di ko pa siya nakikita.
Hmmm, kapag niligtas kaya namin ang mga magulang ni Daph eh makikita ko na siya? P-pero baka nakakatakot ang itsura niya tulad ng mga kontrabida sa mga movies do'n sa mortal world. Jusko, ayoko ng gano'n.
"Terra!"
"Ayy impakto ka!"
Geeez!
"Ano ka ba naman Earthremis! Nawawala ka na nga lang bigla tapos bigla-bigla ka ring susulpot. Ano ka? Kabute? Kabute ka? Kalowkang god na 'to" sabi ko pa habang nakahawak sa dibdib.
May dibdib ako! Enebe.
"Pasensya na, Terra. Pumunta ako sa god ng lightning at sa goddess of ice at may binigay silang sagot sa tanong mo"
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
Viễn tưởngAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...