•AERIN's POV•Panibagong umaga, bagong pag-asa, bagong kwarto, bagong buhay. Charot lang HAHAHA.
Anyway, ngayon ang last day ng training namin. Oo, last day na! Ang bilis diba? Kasingbilis ng pag-iwan niya sa'yo! Ow, I did remember that line, hbu? ChOur.
Dahil sa last day na, maaga akong pumunta ng training ground. Nauna na nga ako sa kila Lei at Daphne eh. Marami na din akong alam tungkol sa kanilang dalawa at gano'n din naman sila sa'kin pero syempre di ko sinabi ang tungkol sa titulong meron ako noh.
Baka mamaya eh ichi-chismis nila sa iba eh di nalagot pa ako? Mas mabuti ng mag-ingat kesa magsisisi. Ganyan ako katalino, gusto mo patutor?
Sa sobrang aga ko ay wala pa akong nakikitang mga mages na narito. Tulog pa kaya sila? Sabagay mas okay na rin 'to para makapag-ensayo ako ng mabuti.
Tinuturuan na nga pala ako ni Caeli ng mga strategies para magamit ko sa araw ng laban. Sabi pa niya, based daw sa performance ko eh malaki ang posibilidad na manalo ako depende sa lakas ng makakalaban ko.
Hays! Bukas na ang araw na hinihintay ng lahat at 'yon ay ang battle na magaganap. Kinakabahan ako, sana lang di ako matalo.
Ilang araw na ding wala ang mga Royalties pati na si RV eh di ko pa nakikita ulit. Nasaan na kaya ang isang 'yon? May nakita kaya siyang ibang 'Chosen Heiress'? Sino naman kaya?
Hmmm, makapag-ensayo na nga. Kailangan kong galingan bukas para manalo.
Half day lang siguro ako ngayon para makapagpahinga naman ang katawan ko bago lumaban.
Sinubukan ko lahat ng itinuro ni Caeli sa'kin except do'n sa sinasabi niyang secret attack. Kailangan daw kasi may advantage ako para malaki ang tyansa ko.
Sino kaya ang makakalaban ko? Isa lang kaya o marami? Nakuuu kinakabahan na talaga ako."Ayy!"
Muntik na akong matamaan ng tinira kong air ball, nag bounce back kasi siya eh buti na lang nakailag ako.
"Tsk. Don't forget to have your focus freak"
(0_0)
Luh? Nababaliw na ba ako at naririnig ko ang boses ni Glaciero? Waaah ano bang nangyayari sa'yo self? Focus ka dapat! Di ka dapat nawawala sa konsentrasyon. Paano na lang kung gagamitin ng kalaban mo ang weakness mo?
Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Pati sarili kong utak pinapangaralan na ako. Ayan kasi napa-praning, kung ano-ano na naririnig hays.
"Hey freak! Are you mad?"
Owemji! I'm not mad, I'm Aerin meghaaad. Impossible namang nandito siya noh, diba nasa kaharian nga sila? Kaya ba't ko siya naririnig?
Aaaaargh!
Patuloy pa rin ako sa pag-ensayo. Di na ako lumilingon dahil baka guni-guni ko lang 'yon.
Malaking tornado ang ginagawa ko ngayon dahil wala pang mga mages at saka malawak ang training ground kaya di na ako nabahala. Wala namang mapipinsala basta kaya ko itong kontrolin.
Gumawa din ako ng maliliit na tornado at nilagyan ng air spikes sa loob. Nagmistulang dancers ang mga tornadoes ko, HAHAHA. Ayaw niyong maniwala? Oh imagine-nin niyo na may group of tornadoes na maliliit sa harap mo tas sabay-sabay silang umiikot. Oh diba parang sumasayaw lang?Kulang na lang music ey.
Pero nagulat naman ako no'ng biglang nag froze ang malaking tornado na ginawa ko at naging---- watdahek?!
"OLAF?!" gulat kong tanong.
Paano naging si Olaf ang tornado ko?!
Kilala niyo ba si Olaf? Oo, 'yong kakambal ng ulap! Kaya lang made of snow or ice 'yon tapos carrot ang ilong!
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...