CHAPTER 7
"Weeeeeeeyt!"Sigaw ko sa kanya. Abaaa! 'Let's talk' daw pero iniwan naman ako. Ano 'to?
Sana sinabi din niyang 'Follow me' diba? Kaso amputek! May lahi atang mang-iiwan, naku.
_____
Ilang minuto pa ay nakarating kami sa likod ng bahay.Luh? Seryoso? Ba't sa likod? Anong klaseng pag-uusap ba 'to at kailangan pa talaga sa likod ng bahay?
Andami kayang lamok dito!
Sana sinabi niya kaninang dito kami papunta diba? Para kahit papaano eh nakapagdala ako ng katol tsk.
"Hey! Sit down" untag nito sa'kin.
Jusko! Inuutusan ba ako nito?
"Ano ako? Aso? Hoy! Umayos ka ha!" sigaw ko sa kanya kaso kumunot lang ang noo niya.
Don't tell me di niya ako gets? Aba'y may pagka-slow din pala ang Mang Tomas na ito ey!
Pffffft! Putek, natatawa na naman ako. HAHAHA taena! Thomas daw ey? Anong klaseng pangalan ba 'yan?
"Can you just please sit down?!"
Oo na. Uupo na nga ey!
Umupo na din ako't handa ng makinig sa kung ano mang pag-uusapan namin.
Sabagay, nakapag-cottton buds naman ako no'ng isang araw eh.
"Don't you want to ask me?"
H-huh? Ask him what? ChOur englisherist talaga ako guys!
"Ano namang itatanong ko sa'yo?"
Nagtanong na nga ako kanina kung anong kulay no'ng brief niya eh, di niya naman sinagot.
So? Useless lang pag tinanong ko ulit siya diba?
"Anything"
Anything daw? Luh.
"Ah? Anything? Hmmm, kaldero ka ba? Kutsara? Plato? Baso? Tinidor? Ah baka ri-------"
(0_0)"WHAT?!"
Na naman? What ulit? Di niya ba ako nage-gets?
"Sabi mo 'anything' diba? So? Ayan na!"
Di naman halatang gutom ako guys noh? HAHA puro pang kusina lahat.
"Aaaaargh! You stupid woman! Hays. What's your name? Full name."
Ah. Magpapakilala lang pala ang gusto nito ey may pa-'don't you want to ask me' pa. Sus! Pasosyal pa ang mokong.
Saka ako pa ang stupid ha. Eh ano siya? Most stupidest!
"Ah, I'm Aerin Sandoval. Ang ganda ng pangalan ko noh? Sa'yo ba? Ano nga 'yon? Ah Thomas! Anong apilyedo mo? Mang? Mang Tomas? HAHAHAHAHA"
Nakahawak pa ako sa tyan ko habang tumatawa. Sheeeeeet! Talagang natatawa ako sa pangalan niya.
"What's funny? Stop laughing you freak!"
Eh? Galit na agad? Jowk lang ey.
Gwapo ka sana kaso ang sungit² mo! Bagay kayo no'ng teacher kong si Ms. Cruz.
Pag-umpugin ko pa kayo eh, hays!
"Ano ba kasing pag-uusapan natin at talagang dito pa sa likod ng bahay mo ako dinala?"
Mahalaga ba 'to?
B-baka tungkol 'to sa paghampas ko sa kanya ng arinola?
Patay akooooooO.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantastikAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...