•CHOSEN's POV•No'ng pinaalis ko si Aerin ay ako na ang humarap sa mga nilalang na lumalabas sa kalangitan.
Mahirap silang kalabanin dahil ang lalaki nila at sobrang malalakas pero dahil nasa akin ang kapangyarihan ng Lux Queen, nakaya ko silang talunin.
Pero...
May mga lumalabas na naman. Patuloy lang ako sa pakikipaglaban, lahat ng mga dark mages ay di ko na kinakaawaan pa.
Pag naiisip ko ang hirap na dinanas ko sa mga kamay nila, umiinit ang kaloob-looban ko. Gusto ko ring maranasan nila ang naranasan ko at sa paraang ito, makaganti man lang ako.
Sa kalagitnaan ng pakikipaglaban ko ay nakita ko ang babaeng kinasusuklaman ko, si Jewel. Kaharap niya si Aerin, napansin ko ring galit na galit si Jewel na nakatingin sa bff ko.
"Walangya ka! Papatayin kita!" galit niyang sigaw.
Agad akong nagteleport palapit at nagpalabas ng isang espada. Sa wakas, makakarap ko na rin ang demonyitang 'to.
"Hindi mo magagawa 'yon dahil ako na mismo ang papatay sa'yo, Jewel" sabat ko habang nakatutok ang espada sa leeg niya.
"C-chosen?" gulat nitong tanong.
"Ako nga" sagot ko, pinipigilan ang sariling hindi siya patayin agad.
"P-paanong?------b-buhay ka pa?"
Ha!
Anong akala niya? Mamamatay ako ng gano'n-gano'n na lang? No way."Bff, ako na ang bahala sa kanya" sabi ko kay Aerin.
Agad ko siyang dinala sa lugar na kami lang ang nakakaalam. Marami akong abilities dahil na rin sa Lux Queen.
Pagkarating namin ay agad ko siyang itinulak. Gulat naman niya akong tiningnan pagkatapos ay tumayo na din.
"P-paanong-----ikaw ang Chosen Heiress hindi ba?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi ko siya sinagot, hinayaan ko lang siyang mapagtanto kung ano ang totoo. Kapag nalaman niya, wala na din naman siyang kawala sa'kin dahil kahit subukan pa niyang tumakas, hindi na siya makakawala pa.
It's payback time, HAHAHA.
"Alam mo, isa kang tanga pati na ang amo mo" ngisi kong sabi.
Nakita ko namang may galit na namuo sa mga mata niya, as usual pikon siya at madaling mainis.
"Anong sabi mo?!" galit niyang tanong habang nagpi-flicker na ang mga kamay.
Mainitin.
"Ang sabi ko 'tanga' ka at ang amo mo. Hindi ko din naman alam na medyo may pagka-bingi ka na pala ngayon, Jewel" nanunuya kong sagot.
Gusto ko siyang inisin nang inisin hanggang siya na mismo ang sasabog sa galit, nakakatuwang tingnan pag nasa gano'ng sitwasyon siya.
"Hindi ako tanga! Anong karapatan mong sabihin sa akin 'yan ha?!"
Gigil na gigil ka ghOrl? Nakakatawa ang babaeng 'to, hindi ba dapat ako ang magalit sa kanya? Naku.
"Simple lang. Tanga kayo dahil hindi niyo man lang napansin o nalaman na mali pala ang nakuha niyong 'chosen heiress' HAHAHA" sagot ko sabay tawa, pang-asar lang.
"A-anong ibig mong sabihin? Ha?! S-sino ang totoong Chosen? Sino?!"
Nginisihan ko lang siya. Dahan-dahang lumapit at inikutan siya. Takot na ba siya dahil malaki ang tyansa naming manalo? Hmmm.
"Bakit ko sasabihin sa'yo? Sino ka ba sa akala mo?" nakataas-kilay kong tanong habang nakaharap na sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...