CHAPTER 20
•AERIN's POV•"Oh Aerin, dala mo na ba?"
Salubong sa'kin ni Rain. Galing akong cafeteria dahil inutusan na naman niya akong kumuha ng spaghetti.
Abaaaa! Ginawa pa akong utusan ng isang 'to ey. Buti na lang walang mga estudyante do'n kaya nakabalik ako kaagad.
"Oo, ito na! Dinamihan ko na para makakain din 'yong tatlo pagbalik nila dito"
Tinabi ko naman 'yong iba at binigay sa kanya ang natira.
"Saan si Eris?" tanong ko pa.
Napansin ko kasing wala siya dito ey. Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?
"Ah 'yon? Pupunta daw siya sandali sa library. Alam mo na, kukuha na naman 'yon ng libro"
Awwss kaya pala.
Hindi kaya siya naboboring magbasa?
Sana hinintay niya ako para sabay na kaming pumunta do'n.
Gusto kong magbasa ng history sa lugar na 'to para naman may alam ako.
"Hoy! Di ka pa ba busog? Ang dami mo ng nakain ah"
Kanina lang nandidiri siya, ngayon siya na ang nakakadiri.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Eris. Bitbit niya ang kanyang bagong libro.
"Yesha? Bakit may dumi ang damit mo?"
Napatingin naman ako sa damit na suot ni Eris, may dumi nga ang ibabang bahagi nito.
"A-ah ito? Ano kasi kanina habang pabalik ako dito eh muntik na akong matamaan ng ligaw na earth ball buti na lang nakailag ako kaya ito nadumihan"
Nakuuuu! Delikado pala talagang gumala-gala dito baka mamaya matamaan ka.
Di mo alam tusta ka na pala o di kaya tuhog na. Jusko! Katakot ey?
"Gano'n ba? O may spaghetti pa dyan oh"
Ngumiti naman siya at umupo na habang nagbabasa ng libro.
"Nasaan na kaya sila Kapatid? Ang tagal naman nila"
Oo nga noh ?
Ba't kaya sila natagalan? Sana okay lang sila do'n.
Balak kong di pansinin si Glaciero ngayon, tingnan natin kung ano na namang gagawin niya hihi.
"Eris? Di ba napapagod si Caeli kakatulog? Kagabi pa 'yan ah" tanong ko naman sa kanya.
'Sana magising na siya'
Nami-miss ko na kasi siya ey. Di ako sanay na tahimik siya at natutulog lang.
Saka sayang naman itong spaghetti ko, di niya matikman.
*blaaaaaaaag!*
(0_0)
Nagulat naman ako biglang pagbagsak nila Glaciero at Cold Water.
Halaaaa! A-ang dami nilang sugat!
"Kapatid!"
"Ice!"
"Gla---------"
H-hindi ko nga pala siya papansinin kaso nakakaawa naman ang lagay nila kaya mamaya ko na lang gawin ang balak ko.
Lagot kang Glaciero ka! May utang ka sa'kin.
Dali-dali naman namin silang inalalayan at inihiga sa mga bakanteng kama na narito.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...