•AERIN's POV•Panibagong araw, panibagong sakit. Nasa classroom nga ako pero 'yong utak ko eh ayuuun! Lumilipad sa kung saan, kala mo may pakpak ey.
Wala akong ibang tinitingnan kundi ang dalawang haliparot na nasa harap ko. Kulang na lang mabulag ako sa kanila.
Ewan ko ba kung bakit lingon nang lingon 'yang si Eris sa'kin tapos pag napapatingin ako sa kanya, ngumingiti.
Plastik ka ghOrl?
Iniinggit niya ba ako? Well, asa pa siya! Hindi ako naiinggit noh, isaksak niya pa sa baga niya 'yang si Glaciero. Lamunin pa niya ng buo, wala akong pake.
Saka hindi ako bitter ah.
Ano ako? Ampalaya? Panyawan? Sus! Ang sarap-sarap paghahampasin ng mga 'to eh lalong-lalo na 'yang Glaciero na 'yan, nakakainis!
Waaaaah huhu maloloka ako sa kanila ey.
"Psssst Aerin!" bulong na tawag sa'kin ni Daph.
Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Anong problema ng babaeng 'to?
"Bakit?" bulong ko ring tanong.
Ngumunguso siya na parang may tinuturo. Tiningnan ko naman ang hawak kong panulat, muntik ng mabali t-tapos 'yong papel ko gusot-gusot na.
Gigil na gigil ka na ba self? Nakakainis naman kasi ang Glacierong 'yan eh, ni hindi ako nilingon o di kaya tapunan man lang ng tingin.
Eh di wow.
Kayo na.
Kayo na may jowa.
Walang poreber!
Maghihiwalay din kayo, pramis.
"Ms Sandoval!"
(0_0)
Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa'kin ni ma'am Ola, siya 'yong teacher namin sa History.
Oo, dapat makinig ako sa lectures niya para malaman ko ang mga history dito sa Lux pero kasi hindi ako maka-focus.
Kasalanan talaga 'to ni Glaciero ey.
Pa sweet no'ng una tapos bigla na lang may langgam kaya ang sakit! Langya siya, hmmmp.
"Sandoval!"
"A-ah ma'am!" gulat kong sabi at napatayo.
"Are you listening?" tanong nito.
At dahil isa akong hamak na sinungaling, tumango ako sa kanya. P-parang nasasanay na akong magsinungaling ah.
Ambad ko na ata hehe.
"Are you sure?"
"Y-yes ma'am""Okay, so ano nga 'yong sinabi ko kanina?"
Dahil sa tanong na 'yon parang gumuho ang mundo ko. Parang gusto kong mawala na lang bigla dito pero di ko magawa.
Hindi naman kasi talaga ako nakikinig eh. 'Y-yong utak ko, di pa bumalik sa'kin kaya wala akong maisasagot.
Paktay ako."Ms Sandoval?" untag nito sa'kin.
Waaaaah! A-anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? N-na broken ako? Na nasasaktan ako? Na m-maiiyak na ako? Anooo?
"M-ma'am" sambit ko din.
Ano 'to? Tawagan lang?
"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong nito.
Mabait naman pala 'to eh p-pero ewan ko sa mga luhang 'to, gusto ata ng freedom kaya lumabas na sa mata ko huhu.
"M-ma'am, k-kasi ano eh uhm...m-masakit po ang u-ulo ko, h-hindi ko na po k-kaya *sobs*"
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasíaAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...