CHAPTER 24
•AERIN's POV•
Nakalabas na sila't lahat-lahat pero andito pa rin ako sa kama ko. Di pa rin talaga ako makaget-over sa nangyari.S-saka nakatitig sila sa'kin kanina, di ko alam kung sa mukha ko ba o sa bumakat kong bra. Waaaaah nakakahiyaaaaaa! Uminit pa tuloy ang pisngi ko. Hmmmm, makaligo na nga lang muna.
Tumayo na agad ako at dumiretso sa aking banyo. Medyo na miss ko na ang aking beautiful dolphins ey. Ay wait! Ang bebe ko, di ko pa nabati owemji! Muntik ko ng makalimutan."Hi bebelaaaaaabss! Good morning, muaaaaah"
Tinitigan ko pa siya sandali pagkatapos ay bumalik na sa banyo para maligo, opkurs. Minadali ko na ang aking pagliligo dahil may business akong gagawin ngayong araw, di pwedeng ipagbukas 'to noh. It's payback time beybi! Saka gutom na ako eh.
Pagkatapos kong maligo eh kinuha ko na ang aking tuwalya at pinatuyo ang buhok ko. Nagbihis na rin ako at akmang aalis na no'ng biglang:
'HAHAHA grabe, pula pa talaga ang isinuot mo Aerin HAHAHA'
Wat da?!
Who's that Pokémon?
Waaaaaah! Sino 'yon? Sabihin niyo para masapak ko naaaaaa. Langya! Huhu m-may kung sino kasing nagsasalita sa isip ko ey, p-parang katulad no'ng nangyari sa training ground. Impossible namang siya din 'tong nagsalita ngayon eh iba naman ang boses!
Sure akong isa sa mga Royalties ang nangtrip sa'kin ngayon, kahit na iniba niya ng kunti ang boses niya pero alam kong lalaki siya. Lagot talaga siya sa'kin!
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap sila. Nakita ko naman sila sa may sala at parang may hinihintay. Oo nga pala, walang klase ngayon dahil lahat ng estudyante ay kailangan ng mag training para sa gaganaping battle.
"Sino sa inyo ang may ability na telepathy?" seryosong tanong ko sa kanila.
Sa mga lalaki ako banda nakatingin dahil alam kong isa sa kanila 'yon. Impossible namang si Glaciero 'yon, di naman siya gano'n magsalita saka di naman Aerin ang tawag niya sa'kin. So, nasa dalawang lalaki na lang choices!
Naghintay pa ako ng ilang minuto ang kaso di pa rin sila sumasagot. Abaaaaaa, sinusubukan talaga ako ng mga 'to ey.
"Sino nga sabi?!"
"B-bakit Aerin?" tanong naman ni Rain sabay tingin sa kanyang kapatid.
"Basta, sagutin niyo na lang ako okay?"
Lagot talaga siya sa'kin! Pinansin pa talaga niya ang bra ko, abaaaaa!
"Tsk"
Pinandidilatan ko naman ng mata si Glaciero. Naiinis na ako ah!
"Walter, umamin ka na tsk"
Eh? Nagtatagalog pa rin talaga siya, buti naman.
Tiningnan ko naman si Cold Water. Don't tell me siya 'yon? Umamin daw eh. Tumingin naman siya sa'kin sabay kamot sa batok niya...may kuto ba siya? Yak!
"A-ah hehehe"
Confirmed!
"Aaaaaah ikaw pala" sabi ko pa sabay pinaikot-ikot ang daliri ko at itinuro sa kanya.
"Waaaaaaaaaah!"
"Kapatid!"
"Aerin!"
Lahat sila nagulat sa biglaang paglutang ni Cold Water. Pinalutang ko lang naman siya pagkatapos eh pinaikot-ikot na parang tornado. HAHAHA serves him right! Parang training ko lang din ah, malas lang niya dahil siya ang na sample-an ko, pinansin pa kasi ang bra ko.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...