CHAPTER 10: His real name

3.5K 176 11
                                    

CHAPTER 10
 
 
"How's your head? Does it still hurt?"

Abaaa! Englisherist din ang isang 'to katulad ni Mang Tomas.

Asa'n na kaya ang isang 'yon? Eh diba may power siya? Ba't wala siya dito?

"Ah hehe okay na ako. S-sino ka ba? Magkakilala ba tayo? Kung gano'n, ba't di kita maalala? May amnesia ba ako? Weeeeh? Eh dahil lang do'n sa sabunutan namin ni Hanny eh nagka-amnesia na ako? Eh ba't di ko sila nakalimutan? Ba't ikaw lang?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero lahat sila, nakatitig lang sa'kin.

Bakit? May nasabi ba akong di maganda? Nagtanong lang naman ako ah!

"HAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa no'ng dalawa. Bakit sila natawaaaaa?!

'Tsk."

Eh?

"Ano? Saka ba't ba kasi ako nandito? Pwede paki-explain  please?"
 
Hays! Nasaan na ba kasi 'yong Tomas na 'yon. Don't tell me iniwan ako no'n, eh diba ako nga 'yong mission niya?

Naku! Pag nakita ko 'yon eh baka masapak ko pa. Lagot siya sa'kin!

"Walter, explain everything to her"

Ayy tama 'yan! Ayoko namang ikaw ang mag explain noh, baka di ka tapos magsalita, dumugo na ilong ko.

Tae! Naalala ko na naman ang mokong na 'yon.

"Ayy ba't naman ako? Anong malay ko dyan?" maktol pa no'ng Walter daw.

Pero tiningnan lang siya ng masama nitong kaharap ko. Aba'y ma attitude si kuya naku!

"Hays! Oo na nga, ako na. Ano ba 'yan!"
 
"Eh? Ano na? Ang dami mong kuda, alam mo 'yon?" tanong ko sa kanya.

Eh kasi ang dami-dami pang sinasabi, di na lang mag-umpisa.

Eh di sana kung nakakabusog 'yong mga pinagsasabi niya, ay baka pagbigyan ko pa siya chOur hihihi. 

"Ganito kasi 'yon Aerin the beautiful. Itong kaharap mo ay si Thomas Dimaguiba na siyang nakasama mo do'n sa mortal world"

H-ha?
 
Hakdog.

Seryoso? Siya si Mang Tomas? Weeeeh?

"Pinagloloko mo ba ako? Paano naman nangyari 'yon abeeeeer?"

Abaaa! Ibang-iba nga ang itsura nito kesa do'n sa mokong na 'yon eh.

Oo, mas gwapo at macho itong kaharap ko pero basta! Nubayan?

"Patapusin mo muna kasi ako! Dumadaldal ka agad ey"

Abaaaa't! Hays Oo na nga, kainis 'to.
 
Sinenyasan ko na lang siya na magpatuloy. Baka mamaya nito eh masapak pa ako, hihi.

"Hays! Ginamit niya lang ang mukha no'ng Thomas Dimaguiba for the transformation okay? Para may matitirhan siyang kakilala do'n sa mortal world.  Bawal kasi siyang gumamit ng kapangyarihan eh kaya ayun!"

So? Totoo ba talagang siya ito? Jusko! Di ako sanay sa mukha niya, huhu ba't ba kasi ang gwapo netoooooo?

"So dahil natagpuan ka na niya, kinakailangan na niyang bumalik dito at syempre kasama ka dahil dito ka naman talaga nababagay at nabibilang, sa mundo ng mga mahika"

Ah. Gano'n pala 'yon?

"Ah eh paano kami nakapunta dito?"

Nakita kong napairap 'yong Cold Water. Tae! Parang bakla amputek HAHAHA.

"Dahil nga di niya magamit ang kapangyarihan niya, inutusan kami ni HM na sundan siya do'n at para matulungan siya at saktong nakita kitang nakipagbasag-ulo do'n sa isang babae"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon