CHAPTER 69: Fire ft Water

1.5K 81 3
                                    


•AERIN's POV•

"Talaga? Ang sama naman ng mga walangyang 'yon!" gigil na sambit ni Caeli.

Nandito pa rin kami sa clinic. Hinihintay lang namin si Ms Hailey para ma discharge na dito si Yesha. ChOur, parang hospital lang ah hihi.

"Oo nga. Wag kang mag-alala, ipaghihigante ka namin!"

"Pero mas maganda kung ang bff ko ang gagawa no'n. Malakas at makapangyarihan na siya ngayon kaya kayang-kaya niyang gantihan ang babaitang 'yon!" sabat ko pa.

Kwinento sa'min ni Yesha ang lahat ng nangyari sa kanya do'n sa Tenebris. May isang babae daw kasi na minamaltrato siya do'n tapos halos patayin na daw siya.

Nakaramdam din ako ng galit at inis sa babaeng gumawa no'n sa bff ko. Wala siyang awa! Ang halang ng kaluluwa niya, sarap pektusan naku.

"Oo nga Chosen, nawala man ang mga kapangyarihan mo bilang The Chosen Heiress pero binigyan ka ng Lux Queen ng bagong kapangyarihan kaya gulatin mo sila at ipamukhang ikaw pa rin ang Chosen Heiress magpakailan pa man!" matapang na sambit ni Rain.

Nagkatinginan kami ng bff ko at sabay na bumuntong-hininga. Nadadagdagan ang guilt na nararamdaman ko every time na pinag-uusapan namin ang bagay na 'yon.

Guilt para sa hirap at sakit na dinanas ng bff ko at guilt para sa pagsisinungaling namin sa lahat.

"Oh? Bakit parang lumungkot kayo? May masama ba akong nasabi?"

(0_0)

"A-ah w-wala naman Rain. Nalungkot lang kami sa mahirap na pinagdaanan niya kaya gagawin natin ang lahat para matalo ang mga dark mages lalong-lalo na ang Dark King" kinakabahan kong sagot.

Mahirap na, b-baka makahalata pa sila.

"Oo naman. Aalis na kami bukas para makipaglaban at tulungan ang ating mga kalahi" sabat ni Faero.

"Mananalo tayo!"

"Payting!"

"Lalaban tayooooo!"

Masaya ako dahil nagkaroon ulit sila ng pag-asang manalo at handa na silang lumaban para makuha ang tagumpay ng buong Lux. 
 
"Siyanga pala, may isa akong naging kaibigan do'n sa Tenebris. Dati, kasama pa siya sa pangkat ng mga dark mages pero ngayon, kinukulong na siya" malungkot na sabi ni Yesha.

Napakunot ako ng noo. Paanong naging kaibigan niya eh kabilang naman pala sa mga dark mages? Saka bakit kinukulong na?

"B-bakit naman kinukulong na nila?" tanong ni Eris.

Oo nga naman.

Baka may nagawang ikinagalit ng Dark King?
 
"Hindi siya masama, napilitan lang siyang sumama sa kanila. S-saka Aerish, kasama siya do'n sa mga dumukot sa mga magulang mo"

Nakita ko kung paano nagulat si Caeli at parang maiiyak na. To the rescue naman si Cold Water at hinahawakan ang kamay ni Caeli na ngayo'y nakakuyom na.

Galit siya.
 
"A-alam mo ba kung anong kalagayan ng mga magulang ko?" pigil-iyak na tanong nito.

"Ang alam ko, kinukulong na din sila at 'yong kaibigan ko ang ginawang tagapaglinis ng kulungan. Aerish maniwala ka, s-sinubukan niyang iligtas ang mga magulang mo no'n"

"Sinubukan o nagpakitang-tao lang? Kinuha nila ang mga magulang ko at kasama pa siya!" umiiyak na talagang turan ni Caeli.

Naaawa ako sa kanya, hays.

"A-aerish, totoo ang sinasabi ko. S-sinubukan niyang tulungan ang mga magulang mo pero nakuha pa rin sila no'ng mga kasama niya" pagpipilit pa ni Yesha.
 
"Hindi! Pinapangako ko no'n sa sarili ko na lahat ng may kinalaman sa pagdukot sa mga magulang ko ay sisingilin ko at kasama na siya do'n!" umiiling na sabi ni Caeli.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon