CHAPTER 54: Transferring of powers

1.6K 83 0
                                    


•AERIN's POV•

"Hoy Eamon! Tara na, aalis na tayo" tawag ko sa unggoy este sa protector ko pala, pfffft.

Ang haba talaga ng hair ko, nagkaroon pa ako ng protector HAHAHA.

"Paano tayo aalis? Saka kinakabahan ako Terra eh, baka lapain ako ng babaeng 'yon" sabi niya habang papalapit sa'kin.

Jusko! Takot nga talaga siya kay Iciel. Eh sino ba namang hindi? Grabe naman kasi talaga makapagpahirap si Iciel pero buti na lang, di ako natigok no'n.

Mukhang ako pa ata ang magiging protector nito laban kay Iciel. Naglolokohan ba kami dito? Haha chOur lang.

"Wag kang mag-alala, akong bahala sa'yo saka kaya mo na 'yon" sagot ko na lang.

Nakaya ko nga eh, siya pa kaya?

Tumango naman siya sa'kin at huminga ng malalim. Napangiti naman ako ng palihim sa inasta niya haha. Para siyang batang paslit na takot mapalo ng nanay ey.

"Oh humawak ka ng mabuti ah, wag kang bibitaw. Di tulad ng ex mong binitawan ka na, ayy charot lang HAHAHAHA" sabi ko pa sabay tawa pero...

Di man lang siya tumawa instead tiningnan niya lang ako like isa akong baliw na mula sa kaibuturan ng daigdig.

Seryoso? Wala ba siyang sense of humor? Like di ba siya natatawa do'n? Saan ba 'to galing at parang di naman niya alam ang salitang 'joke', nakuuu.

"Anong sabi mo?"

(-_-)

"Wala. Lika na nga!" sabi ko na lang sabay hawak sa braso niya. Uuyy walang malisya 'to ah!

Nag teleport na lang kami at ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa wakas. Hindi ko nakikita si Iciel pero tanaw na tanaw ko na ang nakangising si Volt.

Pag 'yan nabungal, tatawanan ko talaga. Lagi niya kasi akong inaasar eh, bagay sila ni Mira, mapanglait at mapang-asar.

"Uy Leighra! Talagang mahal na mahal mo'ko noh at nagdala ka pa ng pagkain para sa'kin" ngisi nitong sabi habang nakatingin kay Eamon.

Ansabe niya?

Napakakapal talaga ng mukha ng god na 'to ey saka anong pagkain? Adik ba siya?

"T-terra, anong pagkain ang sinasabi niya?" takot na tanong ni Eamon habang nagtatago sa likuran ko.

Oo, nagtatago siya ngayon. Bakit parang baligtad ang sitwasyon namin? Diba dapat ako ang pinoprotektahan niya?

"Hayaan mo na lang ang mokong na 'yan, BALIW lang talaga 'yan kaya wag mong pansinin"

Sinadya kong lakasan ang boses ko at in-emphasize ang word na 'baliw' para marinig talaga ni Volt. Gusto ko lang makabawi at parang gumana naman hihi.

"Hays! Sumunod na nga lang kayo sa'kin, naghihintay na si Iciel sa patag" sabi niya sabay talikod.

Yoooown! Sabi sa inyo ey, pikon din siya.

Ano naman kayang hinanda ni Iciel ngayon para sa'kin? Malamang another training na naman 'to and for sure masasaktan na naman ako. Jusko, ang katawan ko meghaaaaad.

"Tara na Eamon" tawag ko sa kanya.

"Terra? Bakit Leighra ang tawag niya sa'yo?" taka niyang tanong.

Ewan ko ba sa mga gods and goddesses na 'yon. Nakakalowka, ang dami ko ng pangalan. Hays kung pwede ko lang 'to ipamigay, sino ba may gusto?

"'Yon ang tawag niya sa'kin, siya lang ang tumatawag sa'kin no'n. Teka, ba't ba tayo naglalakad?" sabi ko pa sabay hawak sa kanya at nagteleport.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon