•AERIN's POV•Di pa rin talaga ako makapaniwalang ang best friend kong si Yesha ang nahanap ni RV bilang The Chosen Heiress.
Ang nakapagtataka lang ay bakit di niya ako nakikilala? Kasi diba ilang beses ng tinawag ang pangalan ko pero di man lang niya ako nilapitan o tiningnan.
May amnesia ka ghOrl?
Ang mas nakakapagtataka ay bakit siya nandito. May kapangyarihan ba siya? Saan naman niya nakuha 'yon? Eh wala naman siyang sinabi sa'kin na may gano'n din pala siya eh di sana sabay na kaming pumunta dito diba?
Di kaya nakakuha siya ng kapangyarihan do'n sa dust na sinasabi ni Hera, mula do'n sa Puno ng Magicae? P-pero bakit bilang 'chosen' ang titulong ginagampanan niya?
Sinong nag-utos sa kanya? Di kaya siya talaga ang The Chosen Heiress at second version lang ako? Kasi kumpleto na ang mga simbolo niya samantalang sa'kin eh hindi pa.
Hays!
Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaso di ko naman siya malapitan dahil may nakapaligid sa kanya. Nakakahiya kayang mag approach, baka kung ano pang iisipin ng iba.
"Hoy! Tulala ka dyan" rinig kong untag sa'kin ni RV.
Andito na kami sa room namin para sa unang klase. Kahapon lang naganap ang pinakanakakagulat na pangyayari. Sobrang laki ng impact sa'kin ang rebelasyong 'yon. ChOur, ang lalim ko na talaga! Malulunod na ata ako.
"Wala naman, nakakabagot lang. Antagal kasi ng professor natin eh"
Tumawa lang siya at di na nagsalita. Napatingin naman ako sa pwesto nila Yesha bff, best friend pa rin kaya ang turing niya sa'kin? Para kasing hindi na niya ako kilala eh.
Naaksidente kaya siya? Tas nabagok ang ulo kaya nagka-amnesia? Nabulag kaya siya tapos pili lang ang nakikita niya? Mula pa kasi kahapon, di niya ako tinitingnan eh.
Hays!
Ang dami kong iniisip.
"Two!"
Eh?
Napalingon naman ako kay RV. Anong two ang pinagsasabi ng isang 'to? Nabaliw na din ata ey.
Tiningnan niya pa ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mala-nike ang kilay ko ngayon, nai-stress na kasi ako.
"HAHAHA two! Ikalawang beses ka na kasing huminga ng malalim. Ano bang problema mo? You can tell it to me Ae"
Napanguso na lang ako sa mga sinasabi niya. Ayokong sabihin lalo na't tungkol kay Yesha 'yon, siya pa naman ang nagdala sa kanya dito.
Ayokong masamain niya pag nagkataon.
Nasaan na ba kasi ang gurong 'yon? Nagpaalam lang kasi siya saglit pero di na bumalik. Hays! 'Yong iba eh bumabalik pero nang-iiwan din naman ulit. Ayy hugooooOt, HAHAHA."RV, nasaan nga pala sila Eris at Faero? Absent ba sila?"
Napansin ko kasi kanina na kulang ang mga Royalties na kasa-kasama ni Yesha. Nasaan kaya sila? Di kaya------- (0_0)
"Ewan, di ko alam. Alam mo namang di ako sumasama sa kanila diba?"
Ayy Oo nga pala.
Ba't ko pa ba siya tinatanong? Nag kwento na nga pala siya sa'kin tungkol do'n. Bopols ka self?
____________________________________
•FAERO's POV•Inabangan ko talaga kanina na lumabas si Eris. Di ko siya nagawang kausapin kahapon dahil tinawag ako ni HM, ako nga kasi 'yong inatasan na mag train kay Chosen.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...