CHAPTER 37: Who's Luna?

1.5K 94 16
                                    


•AERIN's POV•

It's been a week since nag-umpisa ang klase at ang isang linggong 'yon ay talagang impyerno sa'kin!

Minsan, nale-late ako at di man lang ako hinihintay o kaya ginigising nila Lei at Daph. May kaparusahan kapag na late at 'yon ay ang pagbabawal na gamitin ang kapangyarihan.

Hindi naman negation ang ginamit nila. May pinasuot lang si Mrs Smith sa'kin na isang pulseras pero di ko matanggal-tanggal kahit na ano pang gawin ko.

Hays! Sobrang hirap ng mga dinanas ko kapag napaparusahan ako kasi nagte-take advantage ang mga walangya sa'kin.

Binubully nila ako at kung ano-ano ang pinapapagawa sa'kin. Alam kong gusto akong tulungan ni RV pero di niya magawa dahil maaaring madamay pa siya sa parusa.

Walang gustong tumulong sa'kin lalo na't pinag-uutos ni Yesha na wag akong tulungan kundi pati sila madadamay! Napakawalangya pala talaga ng ugali niya.

Kapag ako di makapagpigil baka masapak ko pa siya o di kaya chopchopin at ipapakain sa crocodile! P-pero di ko alam kung meron 'yon dito.

Saka kahit naging malupit siya sa'kin, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan namin sa mortal world, wala akong maisip na dahilan para ganituhin niya ako.

Pero syempre, hahayaan ko ba naman siyang alipustahin ako? No way! Asa pa siya.

Maaari kong gamitin ang ability ko ng palihim at walang makakaalam no'n. Isip ang pinapagana ko at walang kahit ni isa sa kanila ang makakabasa ng isipan ko dahil sarado ito.

Kapag may ginagawa si Yesha, iniisip kong masasaktan siya at nangyayari nga 'yon. Minsan naman iniisip kong madadapa siya at mangyayari nga!

Bleeeeeh!

Lamang pa rin ako sa'yo Yesha hihi.

Kaya lang di ko alam kung bakit sa tuwing gagamitin ko ang ability na 'yon ay sumasakit na ang ulo ko. Saka kapag nasasaktan si Yesha, to the rescue naman agad ang mga Royalties lalong-lalo na si Glaciero, hmmmp!

Naiirita ako sa kanila, wala naman akong ginawang masama pero nagagalit na lang sila bigla sa'kin.

For sure, binibilog na ni Yesha ang ulo nila. Eh? Bilog naman talaga ang ulo.

T-teka, speaking of bilog. Si Eggy nga pala ay nasa dorm lang, iniwan ko siya sa ilalim ng kama ko. May secret place akong ginawa do'n at ako lang ang makakabukas.

Safe siya do'n, alam ko.

Nga pala, naglalakad ako ngayon papuntang room. Maaga na ako, mas maaga pa sa kanila. Akala nila mapaparusahan nila ako? Hindi noh, di ko na hahayaan 'yon.

Sobra-sobra na ang mga ginagawa nila sa'kin. Ang sakit-sakit na nga ng katawan ko eh tapos dumadagdag pa itong wrist ko.

Sa tuwing kakausapin ko ang dagang 'yon, sasakit siya! May kunting guhit na ngang nakalagay pero di pa pormado. Anong element kaya 'yon? Sana naman di na ako mahirapan.

Papasok na sana ako sa room namin no'ng biglang may naririnig akong nag-uusap. Nasa second floor na ako at nasa first floor sila pero tingin ko nasa hallway lang kaya naririnig ko.

Sino ba sila? Ba't ang aga naman nilang pumasok? May kasabay pa ata ako.

"Oo, naibalita ko na nga sa kanya at sobrang tuwa niya dahil di na daw siya mahihirapan"

"Ano ng gagawin natin?"

"Sa ngayon, magmamanman na lang muna tayo"

"Tama. Saka hintayin na lang muna natin ang utos niya"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon