CHAPTER 62: Truth Unveiled

1.8K 80 3
                                    


•AERIN's POV•

"Aerisha, sigurado ka na ba sa gagawin mong pagpunta sa Lawa ng Katotohanan?" tanong sa'kin ni Hera.
 
Oo, nandito siya. Nabigla nga ako no'ng bigla na lang siyang nagpakita sa'kin habang nakatupis pa ako ng tuwalya eh.

Maaga akong gumising at katatapos ko lang maligo

Buti na lang di ako nakahubad no'ng sumulpot siya dahil kapag nagkataon, wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat.

Tatalikod na lang ako kung gano'n, charot HAHAHA.

"Oo, Hera. Alam mo namang malapit na ang digmaan diba? Ayoko namang darating ang panahong 'yon nang hindi man lang nakikita at nalalaman kung sino ang mga magulang ko"

Gustong-gusto ko na silang makita at para tanungin sila kung minsan ba'y hinanap din nila ako. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko sila nakita at wala akong alam tungkol sa kanila.

Sobrang hirap ang dinanas ko, mabuhay lang sa mundo ko dati at ngayon, dito.

Saka gusto ko silang tanungin kung bakit kailangan pa naming magkalayo. Ang hirap kaya kapag walang magulang na mag-aaruga sa'yo.

Naiinggit ka na lang sa iba na kumpleto ang pamilya tapos hanggang imagine ka na lang sa gilid habang kumakain ng krimstik.

Ganyan ginagawa ko dati ey hihi.

"Baka hindi ka pa handa at magulat ka sa iyong malalaman, Aerisha" dagdag pa niya.

Nagtataka ako sa mga sinasabi ni Hera. Akala ko ba walang nakakaalam tungkol sa mga magulang ko? Bakit parang may alam siya? Kung meron man, bakit ayaw niyang sabihin sa'kin?

"Hera, handa na ako. Matagal ko ng gusto ito eh kaya hayaan mo na ako"

"*sigh* Sige Aerisha, pinapaalalahanan lang kita. Kung anuman ang malalaman mo, sana ay hindi pa rin magbabago ang pananaw mo sa buhay. Sana'y magtagumpay ka, Aerisha"

'Yon ang huli kong narinig sa kanya bago siya nawala sa paningin ko. 
 
Sigurado na ako sa gusto ko at ngayon na kami aalis. Siyanga pala, pagkarating namin dito kahapon ay may bakanteng kwarto na para kay Eamon.

Gising na kaya ang isang 'yon? Ayy dapat lang na gumising siya ng maaga dahil kung hindi, aba'y lelechonin ko talaga siya!

Makapagbihis na nga!

*tok tok tok!*

Eh?

"Sandali, magbibihis lang ako!" sigaw ko habang nagmamadali sa pagbibihis.

"Dalian mo naman Terra, gutom na ako eh!" rinig kong sabi ni Eamon.

"Heh! Maghintay ka dyan!"

"Love naman!"

"Leche Eamon, tigil-tigilan mo nga ako dyan sa kaharutan mo kung ayaw mong maging lechong unggoy poreber!"

Jusko! Napaka-PG, kagabi nga halos ubusin na ang inihain ni Lei eh, nakakahiya.

Saka ang harot, di na nahiya. Kapal talaga, naku!

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at ang walangya, nandito pa rin sa harap ng pintuan ko. Tumambad pa sa'kin ang amaze na amaze niyang feslak!

Problema nito? Tinaasan ko lang siya ng kilay at rumampa na papuntang kusina.

Walang pagkain dahil ubos na kagabi at sa cafeteria lang naman kami kumakain pag umagahan pero ngayon, hanggang bread and juice na lang muna.

"Ang ganda ng pormahan natin ah! Fresh na fresh" nanunuya niyang sabi.

Naiinis na ako ah. Kung paliparin ko kaya 'tong kamao ko sa mukha niya? Basag 'to for sure.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon