CHAPTER 67: The Meeting

1.6K 94 14
                                    

 
•FAERO's POV•

I can't take off my eyes on her. Gustong-gusto ko siyang titigan hoping that she'll wake up and will give us some of her smiles.

Masaya ako dahil nandito na siya sa'min but a part of me is worried kasi di ko alam kung magigising pa siya. Ayokong mawala siya sa'kin kaya sana lang ay lumaban siya.

"Chosen, please come back"

I tried to talk to her kahit hindi siya sumasagot. Umaasa na lang ako na maririnig niya ang mga sinasabi ko.

Our world needs her pero ngayong wala na siyang kapangyarihan, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'min.

But still, we're going to fight para di masayang ang paghihirap niya. We'll seek revenge and I'll gonna make sure they'll regret everything they did to her.

"K-kung pinapahirapan nila ng ganyan si Chosen, posible ding ganyan ang ginagawa nila sa mga magulang ko" rinig kong sambit ni Aerish.

Isa pa 'yan sa iniisip ko. The Air King and Queen are one of the strongest rulers dito sa Lux and without them, malaki ang kawalan nito sa lakas namin.

Mas nakakatakot kung pati sila ay gagamitin laban sa'min. Ang kapangyarihang meron sila ay kakaiba at malakas, maaaring masira nila ang kalahati ng Lux.

Oo, ganyan sila kalakas.

"Ang daming nangyayari. Pinatay ang head ng Smithsonian, binihag ang mother and father-in-law ko, nawalan ng kapangyarihan si Chosen tapos nalaman pa natin na impostor ang Lux Queen, hays!" 

Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Cold. Impostor nga ang Lux Queen pero nakikita ko sa mga mata nito na nasa panig namin siya.

Masama man ang nagawa niya, alam kong pinagsisihan niya 'yon dahil na rin sa pagmamahal niya sa Lux King. Siguro naman ay hindi niya kami tatraydurin.

"Kaya nga kailangan nating magpalakas pa. Hindi tayo dapat nagpapaapekto sa nangyari kay Chosen, hindi dapat tayo magsasayang ng panahon para maipaghigante natin ang sinapit niya" dagdag pa ni Eris.

Eris is slowly coming back to herself. Hindi ko pa alam kung anong status nila ni Ice kasi parang nag-iba na din ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

"She's right. We need to think of a plan on how to defeat that f*ckin' Dark King" sabi pa ni Ice.

Tama sila.

Kung dati kami ang umaasa kay Chosen, ngayon ay kami na ang inaasahan ng buong Lux dahil kami ang mga Royalties.

Hindi kami dapat pinanghihinaan ng loob.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Meeting" sagot pa ni Ice.

"Tama. Dapat mag-uusap tayo kung sino ang ia-assign sa iba't-ibang baryo dito sa Lux" dagdag ni Cold.

I've almost forgot, ang mga baryo o bayan nga pala na sakop ng Lux. Kailangang meron ding magtatanggol at tutulong sa kanila do'n sa kanila do'n.

"Nasaan ba sila Raiden at Aqua?" tanong ni Aerish na kinalingon namin.

Nasaan nga ba ang dalawang 'yon? Kanina lang sila wala dito ah.

"I'll find them. Let's just meet at HM's office"

Umalis na din sa Ice. Siya na mismo ang nagpresinta na maghanap sa iba pa naming kasama kaya wala na kaming ipag-alala.

Pero sino ang maiiwan dito kay Chosen? Wala pa naman si Ms Hailey kasi may meeting na din sila together with all the healers.

"Walang magbabantay kay Chosen, hindi ko siya pwedeng iwan dito" sabi ko na lang.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon