CHAPTER 48: The letter and Chosen's sufferings

1.7K 92 1
                                    


•FAERO's POV•

We're here at the HM's office. Sinubukan naming kumbinsihin si HM na ililigtas namin si Chosen pero parang wala naman siyang balak.

Damn! We need to find and save her dahil sa kanya nakasalalay ang kaligtasan naming lahat pero bakit parang di man lang nabahala si HM? Wala man lang siyang ginawa para alamin kung sino ang kumuha kay Chosen at kung sino ang pumapatay.

"HM, please let us to go there para kunin si Chosen. Siya ang pag-asa natin kaya hindi natin siya dapat pabayaan" sabi ko pa sa kanya.

"Alam ko ang ginagawa ko Mr. Flamour kaya sundin niyo ang mga sinasabi ko. Wala kahit isa sa inyo ang pwedeng makapunta roon. Nakuha na nila si Chosen at ayoko na makuha din nila kayo. Kapag lulusob kayo roon, hindi natin alam ang mangyayari" sambit niya.

Hindi ko siya maintindihan. Hahayaan na lang ba naming mabihag ang tagapagmana? Paano pag gagamitin siya ng Dark King laban sa'min? Paniguradong katapusan na ng Lux!

"'Yon na nga po eh. Hindi natin alam ang mangyayari, malay niyo mailigtas namin siya diba?" sabat naman ni Aqua.

Oo nga naman.

"Hindi niyo magagawa 'yon. Ang Tenebris ay nababalutan na ngayon ng isang napakalakas na uri ng barrier. Ang sinumang papasok ay hindi na makakabalik at maaaring ma absorb nito ang inyong kapangyarihan"

Nagulat ako sa sinabi niya. K-kung gano'n, wala na talaga kaming pag-asang mailigtas pa si Chosen? Ano? Maghihintay na lang kami sa aming katapusan?

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo sa couch. Hindi naman kami maaaring sumuway sa sinabi niya dahil baka maparusahan lang kami.

"Paano na ang mga pinatay? Nangako kaming aalamin namin kung sino ang may gawa no'n" nababahalang sabi ni Aerish sa kanya.

"Wala ng iba ang pwedeng gumawa no'n kundi ang mga taga Tenebris lang, ang mga traydor dito sa Academia. Sila ang mga mages na labas-masok lang dito"

Tama siya. Nagawa na nilang patayin ang gurong si Mrs Smith kaya di imposibleng sila rin ang may gawa no'n sa mga estudyante.
 
Pero...

"Bakit nila 'yon ginagawa? Bakit kailangan pang pumatay ng mga estudyante?" tanong ko naman.

Akala ko ba spy lang sila? Bakit pumapatay na? Ito na ba ang hudyat na malapit na talaga ang digmaan?

Bumuntong-hininga naman si HM at isa-isa kaming tiningnan. What's wrong with him?

"Naaalala niyo ba ang dati nating librarian at training master dito sa Academia? Malalakas ang kanilang kapangyarihan ngunit nabihag sila ng mga kalaban. Nag-utos ako ng mga mages upang iligtas sila dahil malaki ang maitutulong nila sa darating na Digmaan"

Dating librarian at training master? Ang mag-asawang Frey ba ang tinutukoy niya? Akala ko ba patay na ang mga 'yon?

Pero anong konek no'n sa pinag-uusapan namin ngayon?

"Sino po ang mga mages na inutusan niyo HM?" tanong naman ni Raiden.

Himala at nakisama siya ngayon. Hindi ko alam kung paano siya napapayag ni Aqua na sumama na sa'min. Mabuti na rin 'yon dahil kailangan naming magkaisa lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Ang anak ng mag-asawang Frey at si Ms Sandoval"

(0_0)

"Si Aerin?/Si Twinny?" sabay na tanong naming lahat.

P-paanong....

B-bakit si Aerin pa? Malalakas at magagaling na ba sila para sila pa ang atasan? Bakit hindi kami? Delikado ang misyong 'yon para sa kanila. We all know na mahirap makapasok do'n but how come they succeeded?

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon