•SOMEONE's POV•"Wag kang mag-alala, kaya kong kontrolin ang oras. Babagalan ko 'yon para hindi agad sila makasal, ako ng bahala rito" sabi ko pa sa kaharap ko.
"Maraming salamat"
"Walang anuman. Siguro'y magpapadala na lang rin ako ng magpapanggap na kutsero tapos siya na ang bahalang gumawa ng paraan para hindi agad sila makarating. Umalis ka na, ako ng bahala sa lahat"
Yumuko naman siya bilang paggalang pagkatapos ay agad ng umalis. Pumasok naman ako sa bulwagan at nagpanggap na isang opisyal para gawin ang plano.
Pagkapasok ko'y nagkasiyahan pa silang lahat. Pumunta ako sa may lamesa kung saan nando'n lahat ng inumin at palihim na nilagyan ng pampatulog.
Ang bisa ng pampatulog na 'yon ay sakto lang para maabutan niya ang tamang oras. Kinakailangang makatulog silang lahat habang binabagalan ko ang oras kasi kung hindi, magtataka sila at baka pigilan pa nila ako.
Ilang sandali lang ay isa-isa na nga silang bumabagsak, siguro'y tumalab na nga ang pampatulog ko. Ang iba'y hindi uminom kaya pinatulog ko na lang sila gamit ang kapangyarihan ko.
Patawarin niyo sana ako.Paniguradong magugulat kayo sa mangyayari kapag nagising na kayo.
"Kayo! Paupuin niyo sila sa kani-kanilang upuan para di sila mahirapan" utos ko sa iba pang mga kawal.
Dali-dali naman silang tumalima sa utos ko. Tinawag ko na rin ang asawa ko para ibahin ang buong lugar, kailangang magtulungan kami.
Inilibot ko ang paningin ko, lahat sila ay tulog na kaya binalik ko na ang dati kong itsura at napangiti.
"Mahal ko, tayo na" tawag sa'kin ng asawa ko.
"Sige" sagot ko at umalis na din.
Uutusan ko pa nga pala ang isa kong tauhan para gawing kutsero na siyang susundo sa mga babae.
____________________________________
•AERISH's POV•"Teka, bakit wala pa ang kutsero na magmamaneho sa sasakyan nating karwahe?" takang tanong ni Aqua na ipinagtaka ko rin.
Wala nga kaming nakitang kutsero at kahit ang karwahe ay wala rin dito. Baka ma late kami, hindi pwede 'yon.
"Yesha, anong oras na ba?" tanong ko.
"9:46 AM"
(0_0)"9:46 AM? Sigurado ka ba?" gulat kong tanong.
Paanong 9:46 AM eh umalis kami sa dorm ng 9:42? Eh kanina lang naman kami dito ah!
"Sigurado ako, hindi naman sira ang orasan ko"
Nakakapagtataka.
Paanong...? Ang bagal naman ata ng oras ngayon.
"Wag ka ng magtaka Aerish, ang panahon ngayon ay natural na mabagal. May mga ganyang pagkakataon, simula ngayon ay magbasa ka" nakangising sambit ni Eris, sinamaan ko naman siya ng tingin.
Eh di ikaw na maraming alam Eris, hays.
"Uy! Nandyan na ang kutsero" tawag ni Aqua kaya napalingon kami.
Papalapit na nga ang lumilipad na karwahe at ang kutsero nito. Ang bigat ng gowns namin tapos may gana pa siyang paghintayin kami?
Buti na lang di kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan ngayon kaya di ako makapaggawa ng portal, hmmmp.
"Magandang umaga po sa inyo mga binibini, pasensya na kung natagalan ako" paghingi niya ng patawad.
"Hays! Bakit ba kasi a------------"
"Oh Aerish! Ikakasal na tayo kaya wag ka ng magalit, papangit ka nyan" sabat ni Yesha kaya napatahimik ako.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...