•AERIN's POV•"CAELI!" tawag ko ulit sa kanya, nagsusumamo na hayaan ako.
Umiiling-iling lang siya habang humagulgol ng iyak. Maraming mga Luxiers na ang nagkahandusay dahil sa lason!
Oo, kaya nilang pigilan ang mga paghinga nila pero hindi 'yon magtatagal. Kailangan nila ng hangin pero di ko pwedeng gamitin ang air power ko.
Mas bibilis ang pagkalat ng lason dahil sa hangin ito.
"Wag! Hindi mo sila dapat patayin, m-may paraan pa para matigil sila! Sigurado akong may paraan pa!" umiiyak niyang sigaw.
Naguguluhan ako.
Alam kong wala ng paraan! Hindi ko naman mapapatay agad ang Dark King dahil nasa loob sila ng barrier na gawa nito.
Kaya kong kunan ng hangin ang loob ng barrier niya pero madadamay ang ina't ama ni Caeli.
Ano bang gagawin ko?
"HAHAHAHAHA nagiging mahina ka dahil sa iyong emosyon! Hindi ka karapat-dapat maging pinili HAHAHA"
Napanting ang tenga ko sa sinabi ng Dark King kaya nagpalabas ako ng apoy sa kamay ko pero napatigil ako no'ng tinuro niya ang Air King and Queen na patuloy pa rin sa pagbuga ng usok.
Sh*t!
"Caeli! Kailangan silang patayin!" sigaw ko.
"HINDI! HINDI KITA MAPAPATAWAD KAPAG PINATAY MO SILA!" sigaw niya.Humangin ng malakas sa ibaba dahil sa kapangyarihan na inilalabas niya.
Galit siya kaya hindi na niya nako-kontrol ang kapangyarihan niya. Halos lahat ng dark mages ay napapalid at namamatay dahil sa mga air spikes.
Ang mga Luxiers ay nilagyan ni Aqua ng barrier pero ang hanging nasa loob nito ay may lason na.
'Sorry Caeli. Alam kong mahalaga ang bawat buhay pero hindi maatim ng konsensya ko na isakripisyo ang maraming buhay para sa buhay ng dalawang taong mahalaga sa'yo'.
'Patawarin mo ako sa gagawin ko'.
Itinaas ko ang kamay ko at ikinumpas. Kinunan ko ng hangin ang barrier ng Dark King para siya na mismo ang babasag nito.
Malaking enerhiya ang inilalabas ko pero dahil sa isang buwan kong pagkakatulog, hindi na ito mahirap para sa akin.
"HINDI! WAAAAAAAAAAG!"
Hindi ko pinakinggan pa si Caeli. Sinirado ko ang puso't isipan ko para di na ako maantala pa.
Sorry Caeli, ginawa ko lang ang nararapat.
Para manalo, kinakailangan nating magsakripisyo.
Binasag nga ng Dark King ang barrier niya kaya ngayon, hindi na ako mahihirapan pero nagkamali ako.
Hindi lang ang Dark King ang makakalaban ko kundi pati na ang galit na galit na si Caeli.
Wala ng buhay ang mga magulang niya no'ng bumagsak sa ibaba kaya galit na galit niya akong binato ng kapangyarihan.
Hindi niya ako natamaan kaya parang nagalit pa siya lalo. Caeli, hindi ko ginustong mangyari ang lahat ng ito.
Nawala na ang itim na usok, nawala na ang lason pero maraming buhay ang nawala dahil do'n. Kunti na lang ang natitirang Luxiers at lahat sila'y umiiyak.
Pinagtatangisan ang mga namatay na kaibigan, pamilya, kapatid at kapwa-Luxiers.
Ang mga prinsipe at prinsesa ay sugatan dahil sa mga pagsabog kanina. Ang mga hari't reyna ng iba't-ibang kaharian ay nanghina na dahil sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...