CHAPTER 79: Her Fiancée, Tyron

2.1K 92 29
                                    



~6 Years Later~ 

 
•YESHA's POV•

"Yesha! Ano? Tapos ka na ba?" tawag sa'kin ni Eris.

"H-hindi pa, k-kinakabahan ako eh" sagot ko pa.

Nandito kasi kami sa kwarto ko. Magkasama kaming mga babae at kasama din namin 'yong mga fairies na siyang nagde-design sa gowns namin.

"Ano ka ba? Hindi ka pa pala nakabihis. Sige ka, iiwan ka na talaga namin" pananakot pa sa'kin ni Aerish.

"Oo nga! Tapos magagalit sa'yo si Faero at hindi ka papansinin forever! HAHAHA" sabat naman ni Aqua.

Napasimangot naman ako at sumenyas sa fairy na magde-design sa gown ko.

Kinakabahan kasi talaga ako eh kasi syempre ikakasal na ako! Oo, ikakasal na ako este kami palang apat huhu.

Isang malaking celebration ang gaganapin ngayon sa Lux Kingdom. Dalawang agenda ang gaganapin do'n at 'yon ay ang pagko-korona sa susunod na mga hari at reyna and at the same time ay kasalan na.

A year after no'ng digmaan ay grumaduate na kami sa Academy at naging mga training masters sa susunod na mga taon.

Naging kami na din Faero no'ng mga panahong 'yon at di nagtagal ay nagpropose siya. Hihindi pa ba ako? Kung 'yong paraan ng pagpropose niya ay hindi pwedeng hindian?

-----------------Flashback--------------------

Nasa training ground kaming lahat para sa training ng mga estudyante. Malapit na kasi ang Battle Between Classes na every half of the year nilang ginaganap.

Nasa akin ang mga estudyanteng hindi pa gaanong magaling sa kapangyarihan nila, mga nasa Lower Class kumbaga.

Mag-isa lang ako kasi hindi kami pwedeng magkaroon ng kasama kasi baka daw mawala ako sa konsentrasyon. Asa pa sila do'n.

"Okay, kayo? Nagawa niyo na ba ang pinagawa ko?" tanong ko sa mga estudyante.

"Opo!"

"Tama po ba ito?" sagot no'ng isa kong trainee.

"Lakihan mo pa ng kunti...ayan, tama na 'yan...Good job!" sagot ko habang tinuturuan sila.

Hindi ko talaga akalain na magiging training masters kami. Dati lang ay kami pa 'yong tinuturuan pero ngayon, kami na ang nagtuturo.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-eensayo no'ng biglang may isang estudyanteng humahangos na papalapit sa'kin.

Hindi pa siya nakaabot pero kinabahan na ako.

"Master Yesha! Master Yesha!" tawag niya sa'kin na dumagdag sa kaba ko.

"B-bakit?" tanong ko.

"S-si Master Faero po!"

(0_0)

"A-anong nangyari sa kanya?" di mapakaling tanong ko.

"A-aksidente po siyang natamaan ng isang nakakalasong sandata! Puntahan niyo po siya, dalian niyo po!"

Dahil sa sinabi niya ay agad akong nagpaalam sa mga tinuturuan ko at agad na umalis para puntahan si Faero.

Bakit ba hindi siya nag-iingat? 'Yan tuloy, hays!

Pagkarating ko sa kinaroroonan nila ay marami akong nakitang nagkukumpulan do'n. Malamang nandyan ang prinsipeng 'yon.

Aaargh! Nakakainis, baka atakehin ako sa kaba nito huhu.

"Tabi! Tabi! Nasaan siya?"

"Nando'n po"

No'ng nakarating ako sa harap ay nakita ko ngang nakahiga siya at parang wala ng malay. Nangingitim ang labi niya kaya sure akong kumalat na ang lason.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon