•AERIN's POV•Nandito na kami sa dulo nitong tulay. Hinihintay na lang namin na tumigil na sa kakaronda ang mga kawal. Muntik pa kaming mahuli kanina buti na lang at nakapag-isip ako ng paraan.
Just like the typical one, umarte ako bilang pusa! Ang galing ko palang mag 'meow meow' ey.
Nga pala, kaya napasigaw si Daph kanina kasi nabigla lang siya. Nakabitaw kasi siya sa ikalawang tali, akala niya mahuhulog na siya eh nakatali din naman ang katawan niya.
Kinabahan pa ako sa kanya. Kung malapit lang siya sa'kin, baka kanina ko pa siya sinapak.
Pero joke lang, baka tustahin ako no'n.
"Aerin, bakit hindi na lang tayo gumawa ng ingay do'n sa kabila para do'n sila magpunta?" suggest naman niya.
"Aynaku Daph, kapag ginawa natin 'yon, magpapanic na naman ang mga kawal na 'yan. Kahit wala silang nakita do'n, mas hihigpit pa ang pagbabantay nila kaya mahihirapan tayo" explain ko pa sa kanya.
Tumango lang siya at di na nagsalita. Nakabitin pa rin kami pero kunting akyat lang sa tali ay makakarating na kami sa itaas na bahagi nitong tulay kung saan nando'n ang ilang mga kawal pati na ang lagusan papunta sa kaharian ng Tenebris.
No'ng nakita ko na bumalik na sa pwesto ang mga kawal ay nilingon ko si Daph at sumenyas sa kanya."Akin na ang lason, Daph"
May hiningi din akong lason kay Caeli bago kami pumunta sa cafeteria kaninang umaga. Powderized din 'to kaya kapag nalanghap nila ay boom patay! Maninigas din ang mga katawan nila dito hihi.
"Daph, isuot mo ang mask mo" utos ko sa kanya.
No'ng nakasuot na kami ng mask ay sumenyas ulit ako kay Daph na manatili muna siya dito sa ibaba dahil ako na muna ang pupunta do'n para lasunin ang mga kawal. Mas mabuti ng isa lang ang lalabas para di masyadong mapansin.
Tumango lang siya kaya dahan-dahan akong umakyat paitaas. Dahil sa puro itim kong suot, di nila ako napansin pero agad akong napatigil no'ng nakita ko ang mga ito.
Nakatayo lang sila kaya paniguradong mahihirapan ako kasi mas matangkad sila sa'kin. Paano ko mailalapit ang lason sa ilong nila? Di pa naman ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan.
Teka---tama! Si Froy, maliit siya at nakakalipad kaya mahirap sa mga kawal ang makita siya! Kailangan ko siya ngayon. Di kasi pwede si Eggy, ang laki kaya no'n.
Tinawag ko lang si Froy at di nagtagal ay lumabas din siya. Pero dahil sa kulay ng dust niya, for sure makikita talaga siya. Paano ba?
"Master!"
"Froy, may iuutos ako sa'yo pero bago 'yon, hindi ba pwedeng ibahin ang kulay ng mga dust mo?" tanong ko pa sa kanya.
Nakita ko kasi si Daldalita dati na nag-iba ang kulay ng dust no'ng tinawag kuno siya ni Glaciero. Sana pwede din si Froy diba?
"Pwede naman po, depende po sa situation"
"Sige. Gusto ko ibahin mo ang kulay mo, 'yong di ka nakikita ng mga kawal"
"Sige po master!"
Umikot ng ilang beses si Froy hanggang sa unti-unti siyang nag-iba ng kulay. Nagulat pa ako kasi sobrang cool lang niya tingnan.
"Tapos na po!"
"Wooooah! Ang galing mo Froy, saktong-sakto ang kulay mo ngayon"
He's now a black fairy! Oh diba? English hihi. Ang cute niya talaga.
"Oh ito ang gagawin mo, makinig ka ha? Dalhin mo itong maliit na bottle, lason ang laman niyan kaya pigilan mo ang paghinga mo. Kailangang magawa mong ipalanghap sa kanila ang lason para mamatay sila at manigas" bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...