•AERIN's POV•
Grabeeee!Ang galing pala talaga ni Cold Water! Akalain mong nalaman niyang peke ang kaharap niya. Pag ako 'yon, baka naniwala na ako.
Saka grabe talaga, gayang-gaya ang itsura ng mga magulang niya. Nakita ko nga kanina na napatayo ang ama niya eh pero talagang magaling si Cold Water dahil nanalo pa siya!
Sanaol diba?
Pero napansin kong napangiwi siya kanina tapos parang napaso ang braso niya at tagiliran. Whew! Buti do'n lang, pag sa mukha 'yon, paniguradong magwawala ang isang 'yon.
Narcissistic kasi.
Love yourself kumbaga.
Nakuuuu, jowain mo na lang sarili mo pag gano'n. Oo, self pleasure. Ayy tae! Saan ko nakuha ang pleasure² na 'yon?
Nakita kong inalalayan din ng mga healers si Cold Water, gagamutin na din kasi siya dahil talagang grabe ang sugat niya pero mas grabe ang kay Caeli.
Di ko pa rin talaga makalimutan hanggang ngayon, hays. Nakakatakot pala maging Royalty, di mo alam kung mamamatay ka ng biglaan o mawawalan ng isang parte ng katawan, naku.
Pero teka--- di ko pa nakitang lumaban si RV ah. Nasaan na kaya ang isang 'yon? Saan ba talaga siya nabibilang? Don't tell me may pa exemption siya? Abaaaaa.
Sino na kaya ang susunod na lalaban? Parang sila ni Eris at Ice na lang ata ang hindi pa nakapasok do'n.Napatingin ako sa screen, nag spin na ito ulit para piliin kung sino na ang susunod. Sobrang bilis din ng pag scroll nito kaya wala akong mabasa kahit isang salita lang.
Ilang segundo lang ay tumigil naman ito at nabasa kong si Eris ang susunod na sasalang.
"Princess Yesha Eris Solier!"
Nakita ko namang tumayo na si Eris at bumaba na mula sa inuupuan nila. Seryoso lang siyang naglakad patungo kay HM.
Ano naman kaya ang sa kanya?
"Go Eris! Kaya mo 'yaaaaan!" malakas kong sigaw pero parang di niya ata ako narinig dahil di man lang siya lumingon.
Bingi ka Eris? Usto mo bigyan kita cotton buds? Ayy hehehe.
____________________________________
•ERIS' POV•Tinawag na ang pangalan ko kaya bumaba na ako. Gustong-gusto ko ng matapos 'to agad dahil kanina pa ako nakaupo dito. Gusto ko ng umalis, nakakabagot.
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Aerin pero di ko na lang siya nilingon.
Pagkarating ko sa kinaroroonan ni HM ay binigyan niya ako ng relo tulad nila.
"Galingan mo Ms Solier"
"Opo"
Yumuko naman kami sa isa't-isa at pagkatapos ay pumasok na rin ako. Nag-iba agad ang anyo ng paligid tulad ng inaasahan ko.
Nandito ako sa isang desyerto. Di ko alam kung bakit dito nila ako inilagay, napakainit pa ng araw at para akong mapapaso. Walang kahit ni isang puno ni lugar na pwedeng makuhaan ng tubig o masilungan.
Kahit ano o sino ay di mabubuhay dito ng matagal. Ano namang kakalabanin ko dito? Buhangin?
Kahibangan!
Patuloy lang din ako sa paglalakad at sa katagalan no'y hinihingal na ako. Mataas ang sikat ng araw at sobrang pawis na pawis na ako pero wala pa akong nakikitang kalaban.
Ano bang trip nila?
Inuubos lang ata nila ang oras at lakas ko, hays. Ano bang klaseng battle 'to? Anong kalaban ko? Kakalabanin ko pa ata ang gutom o di kaya uhaw dito ey.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...