•YESHA's POV•Lumipas ang ilang taon simula no'ng nangyari ang kasalan pero para sa'kin, parang kailan lang 'yon.
Sobrang saya talaga kasi talagang worth it 'yong pakikipaglaban namin para sa kapayaan ng Lux.
"Faerisha! Tama na yan" tawag ko sa aking anak.
Oo, nagkaanak kami agad ni Faero. Faerisha ang pinangalan namin ayon na rin sa suggestion ni Aerin.
Ambilis pala ng mokong na 'yon pero sa tingin ko mas mabilis sila Aerish kasi kambal agad ang anak nila.
"Mommy! Nasaan po ba si Eroshi? Gusto ko siyang kalaro" tanong ng anak ko."Gustong kalaro? O gustong asarin?" ngisi kong tanong, napanguso naman siya.
Si Eroshi ay anak nila Eris at Eros, halata ba? Pffft. Buntis pa si Eris sa ikalawa nilang anak at magkalapit lang ang kabuwanan nila Aerin.
Di nga ako makapaniwalang buhay ang best friend ko at natupad ang gusto namin na masasaksihan ang kasal ng bawat isa.
Bumalik sila dito sa Lux pagkalipas ng ilang araw at pinagsabay na lang namin ang coronation sa susunod na mga hari at reyna.
-----------------Flashback--------------------
"Waaaaaah! Bff koooooooooO!"
"Aeriiiiiiiiiin!"
"Waaaaaah! Twinny!"
Gulat na gulat ang lahat sa biglaang pagsulpot nila Aerin at Ice saktong naikasal kaming lahat.
Nakasuot din siya ng wedding gown kaya malamang ay kasal din nila
Owemji.
B-buhay ang bff kooooooO!
Don't tell me 'yan ang misyon ni Ice sa mortal world na talagang matagal na niyang ginagawa? Woah, di namin inasahan ang bagay na 'to.
Kaya pala wala siyang sinabi tungkol do'n dahil ito pala, sinurprise nila kami huhu.
"Nandito kayo?!" gulat niya ring tanong pero may bahid ng pagkasaya.
"Ikaw ang nandito!"
Gusto ko siyang lapitan at yakapin, na miss ko ang bff ko pero pumigil si Ice at agad naman silang nagpaalam sa'min.
Lumipas ang ilang araw, nasa Lux Kingdom kaming lahat kasi hindi pa naman kami nakoronahan dahil hinihintay nga naming bumalik ang mag-asawang Frost.
Sigurado akong masayang-masaya si Aerin ngayon lalong-lalo na si Ice. Worth it ang sacrifices na ginawa nila dati.
Waaaaah kinikilig ako sa kanila!
Kahit na pinaglayo sila dati pero ngayon, sila pa rin ang nagkatuluyan. Tama nga ang sabi nila na kapag kayo ang para sa isa't-isa, kayo talaga kahit na ano pang mangyari.
At sila ang proof no'n.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya no'ng biglang may liwanag na dumating at sumulpot ang mag-asawang Frost.
Sinalubong namin sila ng palakpakan at ang bawat isa'y masayang-masaya sa pagbabalik ng piniling si Aerin.
"Maligayang pagbabalik sa Lux, mahal naming tagapagligtas at pinili" sabay naming sambit.
Dumiretso sa pwesto namin si Aerin at agad naman kaming nagyakapan.
"Waaah na miss ko kayong lahat!"
"Na miss ka rin namin Aerin/Ae/Twinny"
Napapaiyak na lang kami sa saya dahil sa wakas ay kumpleto na kaming magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...