•DARK KING's POV•"MGA WALANG SILBI!" sigaw ko sa aking mga tauhan.
Talagang ginagalit nila ako. Akala ko'y magagaling at malalakas na silang lahat ngunit nagkamali ata ako ng akala.
"Patawarin niyo po kami Kamahalan" nakayuko nilang sabi.
"Patawarin? Ang sabi niyo'y dalawa lamang sila samantalang kayo ay marami ngunit hindi niyo sila nagawang pigilan o talunin?! Isa lang ang ibig sabihin nito, mahihina kayong lahat!"
Malapit na ang araw ng digmaan ngunit hindi pa pala sila malakas! Nakatakas pa ang dalawang matanda!
Ang lakas naman ng loob ng dalawang babaeng iyon para pumasok sa aking kaharian. Hindi man lang sila natakot!
"Ikaw! Sabihin mo sa ating mga espiya na maghasik doon sa Academia. Kailangang makaganti tayo sa kanila!" utos ko pa.
"Opo Kamahalan"
Hindi ko hahayaang makalamang sila sa amin. Pinatay nila ang ilan sa aking mga kawal kaya dapat lang na pagbayaran nila iyon.
"Simulan niyo na ngayon ang inyong pagsasanay! Wag kayong titigil hangga't hindi pa kayo lumalakas at gumagaling. Maliwanag?!"
"Opo Kamahalan"
"Sabihin niyo na rin sa isa niyo pang kasama na kailangan ko ng makita ang tagapagmana! Dalhin niyo siya sa akin!"
"Masusunod po Kamahalan"
"Umalis na kayo!"Nagmamadali naman silang lumabas habang ako naman ay napapikit sa sobrang galit. Gusto kong pumatay ngunit hindi pa panahon. Nangangati na ang aking mga kamay!
Kailangang makuha ko na ang tagapagmana upang mapasaakin na ang kanyang kapangyarihan. Hindi na ako makapaghihintay na makita siya HAHAHAHAHA.Lumabas ako sa aking silid at pumunta sa pinakatuktok ng aking kaharian. Ginamit ko ang aking buong lakas upang magawa ang pinakamatibay na barrier. Walang sinumang taga Lux ang maaaring pumasok dito maliban na lang sa aking mga espiya.
Kahit papaano'y lamang pa rin ako sa kanila sa bagay na iyon. Alam ko ang kanilang mga ginagawa HAHAHAHAHA.
Maghanda na kayo Lux Kingdom, lulusubin ko ang inyong nasasakupan sa takdang panahon at papatayin ko kayong lahat! Ako ang maghahari sa buong Magicia! Hindi niyo na ako mapipigilan pa.
Babawiin ko ang lahat!
____________________________________
•AERIN's POV•"Good morning HM!" bati ko pa sa kanya.
"Good morning. Have a seat"
Nandito ako sa office ni HM. Pinatawag niya kasi ako kanina at mukhang alam ko na kung bakit.
Siyanga pala, ang mga magulang ni Daph ay nandito pa rin sa Academia. Dating librarian pala ang ina niya at isang training master naman ang ama niya. So, fake news pala 'yong sinabi sa'kin ni Lei tungkol sa mga ito, hmmm.
Balik-skwela na din ang mga estudyante at patuloy pa rin ang pagsasanay nila. May isang subject kasi na halos pagsasanay lang ang topic, parang PE lang kung sa mortal world pa.
"Ms. Sandoval, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag" biglang sabi ni HM.
Tumango lang ako sa kanya at nakinig na lang.
"Masaya ako't nandito ka. No'ng una'y hindi ko pa alam ang bagay na ito ngunit kinausap ako ng mga gods and goddesses sa aking panaginip at sobra akong nagulat. Kaibigan mo pala ang nagpapanggap na tagapagmana, magaling siyang umarte" mangha naman niyang sabi.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...