•AERIN's POV•Nandito na ulit kami sa battle ground. Ngayon ang ikalawang bahagi ng battle at talagang malaki ang improvement ng mga estudyante. Masasabi kong mas ginalingan nila ngayon.
Actually, kanina pa 'to nag-umpisa. Masyado kasi silang eksayted kaya ayuuuun, sinimulan na HAHA.
Pero sa kalagitnaan ng battle ay nagpaalam na aalis muna ang Fire King and Queen for some important matters kuno. Di ko alam pero kinakabahan ako do'n.
Di naman ako nagkakape pero nenenerbyos ako ey.
Saka gusto sanang sumama ni Red pero di siya pinayagan ng mga magulang niya. Syempre, kailangan niyang bumawi ngayon dahil malaki ang ibababa ng rank niya pag di pa siya makasali ngayon.
Oo, may ranking sila dito.
Siguro ito din ang sinabi ni HM kahapon na matatanggap namin maliban sa gantimpala mula sa mga hari at reyna.
Ba't ko alam na di siya pinayagan? Syempre dahil matalino ako at may kasama akong isang Daldalita dito. HAHA sobrang daldal ni Daldalita kaya minsan eh di na ako nakikinig sa kanya. Sorna agad hihi.
Ngayon ay medyo marami-rami na rin ang naglalaban. Si Chrisjean ay natalo ni Gem, magaling kasi talaga siya lalong-lalo na pangongopya ng mukha ng ibang tao kaya madali niyang natatalo ang kalaban.
Sobrang galing ng ibang mga mages. Marami silang inilabas na mga strategy na di nila ginamit no'ng nakaraan. Siguro'y pinaghandaan talaga nila 'to huhu.
Kinakabahan ako pero laban lang, alaxan! HAHA tiyuhin ko nga pala si Manny Pacman kaya nga andaming sardinas ang ibinibigay dahil ang bait niya, pero syempre jowk lang.
Di pa tinawag ang pangalan ko pero I know malapi-------
"Ms Aerin Sandoval vs Jewel Lincoln"
Whew! Lincoln? Ba't parang pamilyar sa'kin 'yon? Uwuu ako na nga pala jusko! Heeeeeelp, si Jewel pa talaga. 'Yong babae sa training ground, remember?
"Woooooh! Go Ms Aeriiiiiiin!"
"Go Jeweeeeel!"
"Payting!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa mga mages. Himala at nag-ingay sila ngayon ah. Akala siguro nila kahapon bawal mag-ingay pero dahil ako ang may pakana ng kaingayan, nag-ingay na rin sila HAHA.
Yieeeee! Ang galing ko talagang mag encourage!
Bumaba na lang ako at tumungo sa may barrier. Hinintay ko muna si Jewel dahil ang tagal niyang bumaba.
Slow ka siszt? Charot.
Walang binigay si HM na timer o ano dahil parang katulad lang din naman no'ng unang laban ang mechanics ngayon.
Duh, di nga pala kami tulad ng mga Royalties haha.
Napatingin naman ako sa mga Royalties. Naka-smile at tumango lang sa akin ang iba samantalang kunot-noo namang tumitig sa'kin si Glaciero.
Ganyan ang reaksyon niya dahil may pinapasabi na siya kay Daldalita, ginawa pa niyang mensahera ang kawawang fairy na 'yon, sus.
"Hey" bati ni Jewel sa'kin.
"Hi Jewel, nice meeting you ulit"
"Nice meeting you too Ms, sa training ground remember?"
Tumango naman ako sa kanya. Whew! May long term memory pala ang isang 'to, di tulad ng iba dyan na makakalimutin.
"Do your best Ms Aerin as I will do my best to defeat you too"
Pagkatapos niyang magsalita ay nauna na siyang pumasok sa barrier. Abaaa! Di man lang ako hinintay? Eksayted ka beh?
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...