•AERIN's POV•
Sino ba talaga ang babaeng 'yon? Galit ba siya kila Red at Glaciero? Anong meron sa kanila? Love Triangle ba problema nila?Eh?
Ba't ang dami kong tanong?
Hays.
No'ng pumasok kasi si Glaciero do'n sa barrier ay 'yong babaeng kalaban ni Red din ang nakalaban niya pero iba ang itsura niya do'n.
Sobrang dami niyang ngipin kaya nakakatakot siya! Saka idagdag mo pa 'yong mga mahahabang kuko niya, ang creepy. P-parang di ako makakatulog ng maayos mamaya nito.
Buti na lang at di nagpadala sa emosyon si Glaciero kaya nanalo siya. Effective siguro 'yong cheer ko noh? Yieeee!
Ngayon, palabas na siya sa barrier. Ang likod niya ang may maraming sugat dahil sa pagkalmot no'ng babae at sa pagtilapon niya kanina. Sobrang lakas pala ng babaeng 'yon pero wala na siya, na chop² na no'ng elemental weapon ni Glaciero. Sobrang talim pala no'n!
Ang galing din niya. Ang macho pa tapos broad na broad 'yong shoulder! 'Yong buhok niyang pa wetlook dahil sa pawis, sheeeeet so damn hot!
A-ay? Haluuuuuh! Anong pinagsasabi ko? Eeeeer, ang harot mo selp.
Nakakahiya hihi.
Ginamot na din si Glaciero ng mga healers. Gano'n pa rin ang itsura niya, nakakunot ang noo at nakasimangot. Ampangeeeeet ng looks niya, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Kalowka.
Hinanda ko na rin ang sarili ko dahil anytime, magsisimula na ang ikalawang bahagi. Winner to winner diba?
May labindalawa na akong puntos kaya paniguradong magagaling ang makakalaban ko sa susunod. Sino naman kaya 'yon?
"Prince Raiden Voltaire Light!"
(0_0)
H-huh?
May isa pang prinsipe? A-at si RV 'yon? P-prinsipe pala siya? Ba't di niya sinabi sa akin? Bakit? Saka ba't iba ang suot niya? Bakit di ko siya nakikitang sumasama sa mga Royalties? Anong dahilan niya?
RV, ba't wala kang sinabi tungkol sa pagkatao mo? Di mo ba ako pinagkakatiwalaan? Pero sabi mo may tiwala ka sa'kin?
Ba't parang may kung anong kumurot sa puso ko?
Tatanungin ko na lang siguro siya pag may pagkakataon. Sana lang magsabi siya ng totoo.
____________________________________
•RAIDEN's POV•Hays! Nahuli na naman ako ah. Trip na trip talaga nilang ilagay ako sa hulihan.
Tinawag na ang pangalan ko kaya bumaba na ako. Nandito ako sa may sulok kaya di nila ako nakikita.
Alam kong magtataka si Aerin nito dahil wala siyang alam na isa akong Royalty. Di ko pa nasabi sa kanya dahil natatakot ako. Baka kasi aayawan niya ako tulad ng ibang Royalties saka ayokong mag-iba ang tingin niya sa'kin.
Gusto ko ng atensyon pero hindi bilang prinsipe. Gusto ko maging normal lang ang pakikitungo ng iba sa'kin kaya di ako masyadong sumasama sa kanila.
Wala namang masama do'n saka I distanced myself from Ice dahil baka magbangayan lang kami.
I know that Ice is somewhat close to Aerin but I won't sacrifice myself just for him, I'll fight now. Kung dati di ko ipinaglaban ang babaeng mahal ko, ngayon ay handa na ako.
Pagkababa ko'y binigyan ako ni HM ng relo. Nakasulat dito ang numerong nagpapakita ng aking oras. Alam kong sapat lang ito para matalo ko ang kabalan pero di dapat ako magpakampante.
BINABASA MO ANG
THE CHOSEN HEIRESS (Completed)
FantasyAerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal and has incredible powers. She was different, for she was the chosen one, chosen by the gods and godd...