Chapter 3

11.4K 201 5
                                    

Chapter 3
Small World

"Oh my! Si Mr. Felix Brockann!" mahinang tili ni Melissa pero sapat para marinig ko. Humarap siya sakin nang may malawak na ngiti. "Ako na ang bahalang mag-asikaso sa kanya."

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Pagkaalis ni Melissa sa harapan ko ay kaagad akong tumalikod at nagtungo doon sa likod ng shop kung saan nag-aayos ng mga bulaklak sina Aling Marie at Aling Patricia.

I tried paying attention to them in order to learn on how to arrange flowers in a beautiful manner. But no matter what I do, I can't control my panic attack and I can't even help from noticing how irregular and uncomforting the sound of my heart is.

Please not now. Please.

But all my hopes went down when I heard Melissa screaming my name. Nahuli na ba ako? Ikukulong ba ako? Nalaman ba ni Mr. Brockmann ang tungkol sakin? Oh, Jesus! Please no!

"Mauve, tawag ka ni Melissa," pagkalabit sakin ni Aling Patricia.

I nodded and went to her shakingly. But to my relief ay si Melissa na lang ang nandoon. Felix Roberto Brockmann is nowhere in sight.

I let out a deep relaxed breath.

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nawawala?" tanong ni Melissa na nakatayo sa pwesto ko kanina sa counter.

"Gusto ko lang kasi sanang matutong mag-arrange ng mga bulaklak," I answered half-heartedly. True enough I want to learn arranging flowers but at the same time I am trying to avoid the fate's playful game.

"Anyway though," pag-iiba niya ng usapan na ikinaginhawa ko. "Nakita mo ba iyong customer natin kanina? Siya si Mr. Felix Roberto Brockmann. He's a multi-billionare kaya dapat palaging the best ang ibinibigay mo sa kanya."

"Does he always go here?" tanong ko para mapaghandaan ko na ang mga susunod na araw kung sakali mang madalas nga siya rito.

"Hindi siya masyadong nagpupunta dito sa shop pero dito siya laging bumibili ng mga bulaklak lalo na iyong ibinibigay niya sa fiancee niya. And speaking of that..."

Shit! I think I know where this is going.

"Nabalitaan mo ba 'yong tungkol sa kasal nila ni Miss Nabila Scottoline na hindi natuloy dahil sa isang eskandalosang babae?"

Yeah, I am definitely aware of that dahil ako lang naman iyong babaeng nanggulo at tinawag mong eskandalosa.

"Anong nangyari pagkatapos?" kunwareng pagtataka ko.

Really, Inah, huh? Saan mo nakukuha ang galing mo sa pag-arte?

"Lumipad papuntang ibang bansa ang mga Scottoline habang na-ospital naman si Mr. Brockmann. At hanggang ngayon ay wala pa ring update tungkol doon sa babaeng iyon. Pero alam mo ba?"

"Ano?"

Nangalumbaba siya at nakita ko kung paano siya magpantasya sa pamamagitan ng mga mata at ngiti niya. "I have this feeling na parang gusto kong pasalamatan 'yong babaeng nanggulo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?" Why are you planning on thanking me?

"Kasi pakiramdam ko tinutupad na ni tadhana na mag-end up kami together ni Mr. Felix."

I wanted to laugh so hard at her that time. Like, how could she possibly think of that? Nakita ng buong mundo kung gaano kamahal ni Mr. Brockmann si Miss Scottoline. It's just so freaking impossible. Mas posible pang mahanap ako at maikulong kaysa sa maging sila ni Mr. Brockmann.

But of course I didn't laugh.

"Gaano mo na ba katagal kakilala si Mr. Brockmann?"

Kumunot ang noo niya na parang may inaalalang malalim. "Mga limang taon ata?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon